Tuesday , January 25 2022

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 43)

HINDI BIRTUD NG PANYONG PUTI KUNDI AWA KAY BOYING ANG KAY NINGNING

Natanaw ko si Ningning na papunta sa kinatatayuan ni Boying sa harap ng kanilang bahay. Hawak ng dalawang kamay ang platong kinasasalalayan ng isang mangkok na kinalalagyan ng ginatang bilo-bilo. Pasado ala-sais na ng hapon noon at katatapos lang marahil ng ikapitong Bi-yernes ng pagriritwal ni Boying.

“Magmeryenda ka muna… Masarap ‘tong niluto kong bilo-bilo o,” ngiti ni Ningning sa pag-aabot ng dala-dalang meryenda kay Boying.

Pero sa halip na kunin sa kamay ni Ningning ang platong kinalalagyan ng mangkok ng ginatan ay walang sabi-sabing hinagkan sa pisngi ng binatang ka-lugar ko. Nabitiwan tuloy nito ang hawak na pinggan at natapon tuloy sa lupa ang pagkain.

“Bastos!” tili ni Ningning, nagpakawala ng malakas na sampal sa mukha ni Boying. Natulala ang kampon ni Tata Kanor.

Mangiyak-ngiyak na nagtatakbong palayo si Ningning. Nang magkasalubong kami sa daan ay napayakap siya sa akin at saka isinumbong ang nagawang kapangahasan sa kanya ni Bo-ying.

“’Yun pa ba ang mapapala ko sa pagmamagandang loob sa kanya?” nasabi ni Ningning sa paghihimagsik ng kalooban.

“’Kala ko pa naman, e, na-in-love ka na rin sa kanya…” ang pagkadulas ng dila ko sa pag-iisip na tumalab na sa kanya ang anting-anting.

“Ano?!” pandidilat sa akin ni Ningning. “Naaawa lang naman ako sa aning-aning na ‘yun, a!”

“S-sino’ng aning-aning?” tanong ko.

“Sino pa, e, ‘di ‘yang praning na si Boying…” ang mariing bigkas ni Ningning.

Praning daw si Boying? Kwento ni Ningning tungkol kay Boying: “Madalas ko siyang makita na nagpapagpag maya’t maya ng panyo sa hangin… Tapos, bubulong-bulong pa siya na tila kinakausap ang sarili sa pag-iisa. Tingin ko’y napaglilipasan siya ng gutom. Nahabag naman ako sa kalagayan niya kaya parati ko siyang dinadalhan ng makakain… “ (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply