Wednesday , October 5 2022

Diet, sa Paris, France naglalagi, ‘pag walang project?

00 fact sheet reggeeKASALUKUYAN palang nasa Paris, France si Diether Ocampo kaya matagal ng walang balita sa kanya.

Aksidenteng nabanggit sa amin ng taong malapit sa aktor nang kumustahin namin siya at tanungin kung totoo ang narinig naming kasama siya sa binubuong project na Passion de Amor na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Ejay Falcon, Cristine Reyes at isa pang sexy star na hindi pa binanggit sa amin ang name.

Ang mabilis na sabi sa amin tungkol sa project ay, ”huh? Wala naman po akong alam. Hindi po.”

032914 Diether Ocampo
At ng tanungin namin kung anong ginagawa ngayon ng aktor ay sinagot kami ng, ”wala po si Diet dito, nasa Paris.”

Sundot naming tanong kung ano ang ginagawa ng aktor doon ay hindi na kami sinagot pa, opps nadulas lang marahil ang kausap namin, ha, ha, ha, ha.

Oo nga, ano ba ang ginagawa mo sa Paris Diet?  Belated happy birthday nga pala noong July 19 (Sabado).

About Reggee Bonoan

Check Also

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Mother Lily  Monteverde Father Remy Monteverde

Mother Lily – Father Remy’s love story mas classic pa sa Mano Po

HATAWANni Ed de Leon IYON lang love story nina Mother Lily at Father Remy Monteverde, na natatandaan naming kuwento, …

Leave a Reply