Sunday , October 2 2022

Mukha ng empleyado ng public market binote ng bagets

072014_FRONT

WASAK ang mukha ng isang empleyado ng public market nang saksakin sa kanang pisngi ng isang high school student na sinabing matagal na niyang kaalitan sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Si Benjie Daytutos, 37, empleyado ng Pasay City public market, ay isinugod sa Pasay City General Hospital dahil sa saksak ng basag na bote sa kanang pisngi.

Bahagyang nasugatan sa ulo ang suspek na si Ruel Paleracio,18, estudyante ng Pasay City West High School na agad ikinulong nang madakip ng mga awtoridad.

Ayon kay Chief Insp. Angelito de Juan, hepe ng Investigation Detective and Management Section (IDMS), dakong 10:00 p.m. naganap ang insidente sa panulukan ng Park Avenue at Primero De Mayo St.

Naglalakad ang biktima nang makasalubong ang suspek kasama ang isang kaibigan nang biglang sumiklab ang away.

ni JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply