Tuesday , January 31 2023

Parangal ng GRR TNT sa mga nagtagumpay sa sariling pagsisikap

MAY isang cardiologist ang nagsabing habang tumitibok ang puso’y may pag-asang gumaling ang pasyente. Sabi naman ng isang opthalmologist, habang may liwanag kang naaaninag ay maaaring maremedyuhan ang ‘yong pagkabulag.

Tila ganito ang  karanasan ng tatlong panauhin ni Mader Ricky Reyes sa kanyang pang-Sabadong programa sa GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) handog ng ScriptoVision at napapanood mula 9:00-10:00 a.m..

Nangarap at nagsikap ang isang dati’y tauhan ng isang fast food sa isang mall.  Ngayo’y proprietor na siya ng isang kainan sa A Square Mall sa Anonas Road, Quezon City na tinawag niyang Juan Stop Inasal. Marami siyang suking estudyante at empleado sa mga kalapit na paaralan at establisimyento. Tiyaga, pagsisikap at kasipagan.  Ito raw ang pormulang ginamit ng ngayo’y matagumpay na negosyante.

Tampok din si Paulo na nagtapat kay Mader na ang hilig at pangonholekta niya ng iba-ibang gadgets ang naging inspirasyon para magbukas ng tindahang Gadget Angel. Kung may kailangan kang kasangkapan, tiyak na mayroon nito sa tindahan ni Paulo.

Rati’y domestic helper ang ikatlong iinterbyuhin ni Mader.  Nagtipid siya at sininop ang kinita. Nagsimula siya ng isang maliit na negosyo. Ngayo’y chief executive officer na siya ng sariling kompanya.

Samantala’y tuloy ang make over magic sa mahigit 40 Ricky Reyes Salon sa buong Pilipinas.  Lunas sa mga nakakalbo o numinipis ang buhok ang mga pelukang gawa sa human hair. Sabi nga, kung gusto mong gumanda o masilayan ang “bagong ikaw” hayaan n’yong lunasan ito ni Mader.

About hataw tabloid

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply