Wednesday , February 1 2023

Mosyon sa DAP inihain ng SolGen

PORMAL nang inihain ng Palasyo sa Korte Suprema ang motion for reconsideration (MR) kaugnay sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dakong 3:16 p.m. nang isumite ni Solicitor General Francis Jardeleza ang MR, ngunit hindi binanggit kung ilang pahina ito.

Wala rin sinabi si Valte kung may bagong argumento ang Malacañang na posibleng maging basehan ng mga mahistrado para baliktarin ang nauna nilang desisyon na unconstitutional ang DAP.

Ngunit sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) noong Lunes, iginiit ni Pangulong Aquino na ang Section 49 ng Administrative Code of 1987 ang naging basehan ng Malacañang sa paglikha ng DAP na binalewala ng Supreme Court.

Kamakalawa ay tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., na handang sumunod ang Palasyo sakaling panindigan ng Supreme Court ang nauna nilang pasya.

Nilinaw rin niya na hindi naghahamon si Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema sa isyu ng DAP at mismong ang Punong Ehekutibo ang nagsabing wala siyang kimkim na galit sa Kataas-taasang Hukuman at iginigiit lamang niya ang prinsipyo at paniwalang ginamit sa mabuti ang DAP.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) na dahil sa pasya ng SC ay posibleng magbanggaan ang sangay ng ehekutibo at hudikatura na kailangan pang makialam ang lehislatura.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

TIÑGA ARESTADO SA POLICE RAID SA TAGUIG
P95K halaga ng shabu at ilegal na armas kumpiskado

MAHIGIT P95,000 na halaga ng shabu ang nasamsam kay Bernardo Tiñga, 56, na naaresto sa …

P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat

P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Nigerian nationals matapos tangkaing magbenta ng ilegal na droga …

Philippines Plane

VAT Refund Program para sa dayuhang turista sa 2024, aprub kay FM Jr.

INAPROBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng Value-Added Tax (VAT) Refund Program …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

FM Jr., itigil pagkontra sa ICC probe sa Duterte drug war — CenterLaw

HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply