Thursday , June 4 2026

Barangay kagawad, adik na manyak timbog sa rape

KALABOSO ang isang barangay kagawad at isang drug addict matapos halinhinang gahasain ang isang 14-anyos na babae sa Barangay Eguia, Dasol, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Leonido Abella, barangay kagawad ng Dulipan at Justine Mijos, 49, sinasabing adik, ng barangay Eguia, Dasol.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Yvonnah, 14, inimbitahan siya ng kanyang kabarkadang si Lorena na magpunta sa bahay ng suspek na si Abella.

Nadatnan nilang nag-iinoman sina Abella at Mijos at sumisinghot pa ng shabu.

Sinasabing si Abella ay nobyo ni Loreta kaya ipinalagay ng biktima na walang mangyayaring masama sa kanila pero pinilit silang uminom ng alak hanggang sa makatulog.

Nang magising ay wala nang damit si Yvonnah at halinhinan na siyang inabuso ng mga suspek at pagkatapos ay inabandona kaya nakapagsumbong sa mga awtoridad. (JAIME AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …