PNoy hawak sa leeg ni Abad?
ITINANGGI ng Palasyo na hawak ni Budget Secretary Florencio Abad sa leeg si Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi mapakawalan ng punong ehekutibo ang kanyang kaalyado.
Itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang tsismis na may hawak na alas si Abad kaya hindi tinanggap ni Aquino ang kanyang pagbibitiw.
βWala pong batayan at wala pong katotohanan ang alegasyon na βyan. Nagsalita na po ang Pangulo hinggil sa isyu na βyan, at sa kanyang talumpati … sa mga susunod pang mga ipapahayag at ipapaliwanag, mas mauunawaan po ng sambayanan ang mga konsiderasyon po ng ating Pangulo at ng pamahalaan hinggil sa mga isyung inilalahad,β ayon kay Coloma.
Si Aquino ay nakatakdang maglahad ng televised address ngayong araw upang talakayin ang DAP.
Itinanggi rin ni Coloma na nagpa-panic na ang gobyerno dahil sa pagpalag ng publiko sa DAP.
βWala pong panic. Mahinahong-mahinahon po ang ating Pangulo at patuloy pong ginagampanan ng mga miyembro ng Gabinete at ng pambansang pamahalaan ang tungkulin nito,β aniya.
ni ROSE NOVENARIO

