Wednesday , October 5 2022

Si Mandeep Narang at ang Korean notorious na si Mike Kim

NAG-REACT na po sa ating mga ginawang pagbanat ang isang grupo ng mga Bombay na nakikisimpatya  sa nakakulong nilang kababayan na si MANDEEP NARANG.

Atin pong ililimbag ngayong araw na ito ‘entoto’ ang dalawang emails ng grupo na nagpapatunay sa pagiging inosente ng kanilang kapwa Bombay na si Ginoong Narang.

Ang nasabing emails ay ipinadala po sa inyong lingkod at sa ating Big Boss, publisher at kolumnista na si Mr. Jerry Yap.

Basahin po natin:

Letter No.1:

Jerry & Rex,

I hope you ok with English. Saw your news about Solaire drug bust on April 29. Please know that: Mandeep Narang is not Mike Kim’s business partner. He is kidnap and extortion victim. Mandeep Narang has advance cancer. He goes to Philippines because he wants to win APT bracelet as his last wish. See this video from 2013 time stamp 1:20-1:58. Mandeep gives out cash money he wins to people in need in Manila. Now they scared to tell because of Mike Kim. Mandeep has very bad back pain and hip pain and cancer.  Takes lot of pain killers. Mike Kim gave him Marijauana to bear pain. Then he keeps him as hostage and takes lot of money. When not satisfied, he sets up buy-bust with his NBI friends to take Mandeep Narang under his control fully and they all want more money to let him go. When he cannot pay, they put him in jail. Mandeep Narang is innocent, spiritual man who has helped many poor people. Mike Kim and NBI think they have trapped a rich American business man to get even more money. His life is in danger because these bad people do not let him to go home.

Please do the Christian thing. Help an innocent and sick man to get back home. Show this video on your TV and let honest people know about this. God will reward your efforts.

Mandeep Narang paid Mike Kim and NBI more than 25 million pesos for his freedom since April but they wanted 5 million US dollars. He do not have that. He has advance cancer and has only few years to live with chemo treatment. He would not give them more money. Judge Danilo Suarez put him in jail without bail and threatening with life imprisonment at first hearing under pressure from NBI. Both NBI and Mike Kim are threatening to kill him.

Report that he ran during arrest are so wrong. He was suppose to get back surgery done when he was returning home in May. Doctor feared he may not able to walk if surgery is not done soon, He postponed all his treatment for one last trip to Manila for APT tournament. He was supposed to leave Manila on May 19.

Some examples of his generosity, he gave 25,000 pesos to  pregnant employee at one of Manila Casino to buy something good for her baby. He stayed two months in an apartment in Sept-Oct 2013 and left all deposit to his housekeeper. You can check that in records and apartment people. He has given 10,000 pesos to many needy people in Manila. He would not sell drugs for 10,000. Everyone including me scared of Mike Kim.

Letter No.2

Rex,

It looks like you did not get email below. It may go to your junk mail. Please reply even one line or write in Hataw about correction. You wrote in July 3 again about Solaire. Please know:

1) Mardeep Singh Narang is Mandeep Narang. He is not a Singh. NBI gave him that name to frame him. He never has any criminal history anywhere.

2) Mandeep Narang is no drug lord. He is honest person who has helped many people. He might have taken weed cigarette to help with cancer pain as medicine was not helping. But he never sell any drugs.

3) He is not Mike Kim’s business partner but his victim. NBI and Mike taken lot of mo-ney from him but do not let him go. This is not buy-bust but kidnap and extortion. For Christ sake, look for truth and help this decent man.

Ang MIKE KIM po na tinutukoy ng  grupo ng mga Bombay sa mga liham na ito ay ang tarantado at walanghiyang Koreano na nagpapatakbo at namamahala ng poker games sa loob ng  Solaire Resorts and Casino na pagmamay-ari ng respetadong billionaire-businessman na si Don Enrique Razon.

Itinalaga po ni Mr. Razon ang ilang pinagkakatiwalaan niyang tauhan gaya nina ex-PNP Colonel Michael Ray Aquino (isa sa suspect sa Dacer/Corbito kidnap/murder case), bilang chief  of security at Atty. Marce Arias, abogado at miyembro ng Kapatirang Beta Sigma upang pa-ngalagaan ang imahe ng hotel at ang mga guests at players ng nasabing pamosong casino outlet.

Pero tila bigo si Mr. Razon sa kanyang layunin na bigyan ng malaking prayoridad ang mga kli-yente, kustomer at manlalaro ng Solaire dahil na rin sa kawalanghiyaang pinaggagagawa ng Koreanong si Mike Kim.

Ang tanong lamang po natin at ng sambaya-nan, bakit hinahayaan nina Aquino at Atty. Arias ang mga katarantaduhang na hindi lamang bumababoy sa imahe ng Solaire kundi sumasabotahe pa sa negosyo ng kanilang among si Mr. Razon.

Isa pang katanungan, kung bakit bukod tanging sa Solaire Resorts and Casino lamang tila napakahirap manalo ng isang casino player lalo na sa slot machine?

Isa sa mga big losers na nagpatalo ng daang milyong piso ay itong comedian at live show host na si Willie Revillame. Marami pa pong iba diyan na katulad din ng kapalaran ni Revillame ang sinapit.

May ‘magic’ nga ba ang mga casino dealers ng Solaire lalo na sa larong baccarat?

Nagtatanong lamang po.

May kasunod…

ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09278781771  mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply