Saturday , January 29 2022

5 bus nasunog sa Pasay welder nalapnos

KRITKAL ang isang welder nang tangkaing iligtas ang kanilang gamit sa nasusunog na limang unit ng United Land Transport and Bus Company (ULTRA BUS) sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Noel Reyes, 26, stay-in sa Ultra Bus, sa Don Carlos St., Barangay 190, ng nasabing siyudad sanhi ng 2nd degree burns sa katawan.

Sa report ng Pasay City Bureau Fire Protection (BFP), dakong 2:00 a.m. nang magliyab ang garahe ng kompanya.

Pahayag ng nagrorondang barangay tanod, nakita nilang may usok sa garahe ng Ultra Bus hanggang sa may sumabog at kumalat ang apoy.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog at walang iniulat na namatay bukod kay Reyes na nasunog ang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa ng mapping operation ang mga tauhan ng BFP upang tiyaking ligtas ang lugar. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

Arrest Posas Handcuff

Graphic artist arestado sa ‘vaxx cards’

NAARESTO ang isang 28-anyos graphic artist ng mga operatiba ng Pasay Intelligence Section sa pagbebenta …

CHED

New CHED charter inihain sa Senado

ISINUSULONG ni Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, …

Pandesal holen

Sa patuloy na pagtaas ng presyo
GA-HOLENG PANDESAL IHAHAIN NG PINOY SA HAPAG-KAINAN

NANGANGAMBA si Senador Imee Marcos sa paliit na paliit at hindi na nakabubusog na pandesal …

Leave a Reply