Tuesday , January 18 2022

1 patay, 1 grabe sa amok na bebot

TODAS sa pagwawala ng isang babae ang isang lalaki at isa pa ang sugatan sa Mobo, Masbate kamakalawa.

Patay agad ang biktimang si Jason Danao dahil sa tama ng bala at taga sa katawan habang sugatan si Albino Macadat.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Arlene Oliva, 46.

Natutulog ang mga biktima at isang Ryan Danay sa bahay ng kanilang lolo nang dumating ang suspek na armado ng shotgun.

Nang makita ang mga biktima pinaputukan sila ng suspek. Hindi pa nakontento ang suspek, iwinasiwas pa ang dalang itak kaya tinamaan pa ang mga biktima habang nakatalon naman at nakalayo si Danay.

Patuloy ang imbes-tigasyon ng mga awtoridad para malaman ang dahilan ng pagwawala ng suspek.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

4 COP binalasa sa Rizal

KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police …

Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal …

flood baha

Dahil sa pagbaha
HIGIT 150 PAMILYA SA 2 BAYAN NG DAVAO DE ORO INILIKAS

INILIKAS ng mga awtoridad ang aabot sa 166 pamilyang apektado ng pagbaha sa mga bayan …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng kawatan sa Mabalacat nasukol

NADAKIP ng mga awtoridad ang itinuturing top 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 SUGAROL, 4 PASAWAY, PUGANTE SWAK SA HOYO

MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng pulisya ang 10 kataong pawang lumabag sa batas sa inilatag na …

Leave a Reply