Sunday , September 25 2022

RP youth team handa sa Dubai

ISANG malaking hamon para sa RP Youth Team ang kampanya nito sa FIBA World U17 Championships na gagawin sa Dubai, United Arab Emirates, mula Agosto 8 hanggang 16.

Nasa Group A ang tropa ni coach Jamike Jarin at kasama nila sa grupo ang Estados Unidos, Greece at Angola.

Nakuha ng mga Pinoy ang karapatang sumali sa torneo pagkatapos na nakuha nila ang ikalawang puwesto sa FIBA Asia U17 championships noong isang taon.

“The only thing that we will promise is that we will be competitive,” wika ni Jarin sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association noong isang araw sa Shakey’s Malate. “We had a very good two-week training in Las Vegas and the boys are ready even though we are the smallest team in the tournament.”

Kasama sa lineup ni Jarin sina Jolo Go ng Hope Christian High School, Richard Escoto ng Far Eastern University, Paul Desiderio at Diego Dario ng University of the Philippines, Mike Nieto at Jolo Mendoza ng Ateneo, Mark Dyke ng National University, Andrei Caracut ng San Beda at Aaron Black ng Ateneo na anak ng sikat na PBA coach na si Norman Black.

Inamin ni Jarin na mas mahirap ma-scout ang Angola dahil hindi niya kilala masyado ang mga manlalaro nito at wala siyang mahanap na video.

“According to the scouting reports, Angola has a young but tall and athletic team. Pero 17 per cent shooting lang sila from three-point range,” ani Jarin. “Sa US naman, their key player Malik Neumann is good enough to play in the NBA while Greece has a seven-footer who can shoot three-pointers and who is also NBA-bound. Kaya we will try to make the game quicker against our opponents.”

Pagkatapos ng torneo sa Dubai ay lilipad kaagad ang tropa ni Jarin patungong Qatar para sa FIBA World U18 championships mula Agosto 18 hanggang 28. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Philracom Horse Race

Paborito si Mommy Caring

MARKADO sina Mommy Caring at Cam From Behind sa magaganap na 2022 PHILRACOM “Sampaguita Stakes …

Rubilen Amit Carlo Biado Johann Chua

Amit, Biado, Chua namayagpag
PH TRIO KAMPEON SA WORLD TEAMS 10-BALL

ni Marlon Bernardino MANILA — Itinanghal na kampeon ang Filipino trio na sina Rubilen Amit, …

Rubilen “Bingkay” Amit

Sa Austria
AMIT, CENTENO NAGPARAMDAM AGAD NG LAKAS 

MANILA, Philippines – Nagparamdam agad ng lakas sina Billiard stars Rubilen Amit at Chezka Centeno …

Rhaki Roj Constantino

Dan Kang kalahok sa Mappa KnightShot 10-Ball Cup

ANG pool player at motorcycle enthusiast na si Dan Kang ay lilipad mula South Korea …

Leave a Reply