Saturday , October 1 2022

Acting nina Kathryn at Daniel, nag-improve — Direk Cathy

00 fact sheet reggeeBAGO nagsimula ang Q and A sa presscon ng She’s Dating The Gangster ay tsinika muna namin si Direk Cathy Garcia-Molina tungkol sa pelikula at kung ano ang bago kompara sa mga nagawa na niya.

Say ni direk Cathy, “dalawang kuwento, two timelines, two generation, medyo challenge kasi una, the two (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo) are portraying two characters, kumbaga, tig-dalawa sila mismo, so mahirap for both of them kasi kailangan may distinction ‘yung isa roon sa isa.

“’Di ba nilo-launch ko sila medyo seryosong aktor ngayon, eh, dinalawa ko pa, so it’s extra hard for them, pero natutuwa ako kasi sobrang willing ng dalawang itong matuto.

“It got better now, mas natutuhan ko silang irespeto now, kasi rati parang (mga) naglalaro lang, pero nakikita ko na beyond that laro, may serious part of them na nakikita ko ‘yung willingness nila to make this film better.

071014 kathniel cathy
“Nakikita ko na, sila mismo ang hihingi ng, ‘direk okay ba (acting), parang happy ka na ba? Happy ka na ba?’”

Malaki raw ang pagbabago sa acting ng dalawa kompara noong nasa G2B palang sila.

“Yes, ako si Kathryn, nagulat ako sa kanya, kaya niyang ibigay kasi alam naman nating lahat na marunong siyang mag-drama noon pang bata, ‘di ba?

“Ang natutuhan ko since ‘G2B’ na may ibibigay ang batang ito.

“Si Daniel naman, parang paganyan-ganyan lang, parang hindi marunong mag-drama and in ‘G2B’ din, ay mayroon (acting), pinu-push ng kaunti at nilalawakan mo ‘yung range ng dalawa na hindi sila lang pa-cutie-cutie, teenyboppers,” kuwento ulit ng direktor.

Nabanggit namin kay direk Cathy si Sarah Geronimo na hindi rin marunong umarte noong una at ngayon ay aktres na talaga ang dalaga.

“Mahirap i-compare kasi si Kathryn is in the business quite a while before this movie, si Daniel naman, maybe in his blood as an actor.  Wala siyang awkwardness sa pagiging raw na mayroon si Sarah in the beginning.

“There’s an actor in him at si Kathryn naman, child actress naman. Parang, first lang nila with me (to direct) na ganitong kuwento, pero hindi nila first sa big screen, parang ganoon,” katwiran ng direktor.

May franchise rin kaya ang She’s Dating A Gangster tulad ng A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man and A Woman?

“Ay hindi naman, ah well, isang libro palang ang isinusulat ni Bianca (writer), nag-i-start siya ng ibang libro, pero iba, hindi ito. Let’s see maybe,” say ni direk Cathy sa amin.

Sabi namin na ganito rin kasi ‘yung tatlong pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na hindi rin ini-expect na may franchise.

“Correct at saka first time na magkaroon ng franchise ng love story dahil wala namang ganoon dahil normally, horror, fantasy,” pagsang-ayon ng direktor.

HIHIGITAN ANG KITA NG STARTING OVER AGAIN

At ang intriguing question namin kay direk Cathy, ang She’s Dating A Gangster ba ang makauungos sa kinita ng Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na umabot sa P430-M?

“Ay, hindi ko naman alam ‘yan!,” mabilis na sagot sa amin.

“God willing, who wouldn’t want to na mabigyan ang dalawang ito (DJ at Kath) na umani ng tagumpay, ‘di ba nakapag—‘PagPag’ na sila, kaya lang siyempre Filmfest (2013MMFF) ‘yun, eh, hindi mo pa siya masyadong (malalaman kasi nga naman lahat kumikita halos ang kasama).

“So, I’m excited for both of them, sana tangkilikin, kasi natatakot ako kasi ang mga batang ito ay mas malakas ang teen market, eh, alam naman natin para kumita ang pelikula mo, you have to get across the board, kailangan mapasok mo pati lola (matatanda), so hoping na ‘yung kuwento ay nakuha natin sila the whole market of Star Cinema and the Teens.

“Hindi kasi ako ma-teens, eh. Ang mga pelikula ko, hindi ma-teens (audience), so hopefully kumita, the book will get the teens and the movie will get the audience, sana ganoon, sana magkita (magsalubong half-way).

“Romcom (romantic-comedy), na hindi ganoon ka-romcom kasi the book is not, eh. Mas romantic drama ‘yung libro, so in-ijeckan lang ng kaunting comedy, hindi siya todong romcom na parang ‘My Amnesia Girl’, hindi ganoon,” pahayag pa.

Pagkatapos ng SDAG ay may gagawing pelikula ulit sina JLC at Sarah G at si direk Cathy ang direktor.

“I think so, I think it’s my next (project) after this, sabi nila (Star Cinema bosses) immediately, pero hindi ko pa alam ang kuwento, gagawin palang, pagkatapos nito (‘She’s Dating A Gangster’), after ng post-prod ko, malamang ipatawag na ako,” pagtatapat sa amin.

PAGPAPAGAWA NG BAHAY NAUDLOT

Kaya pass muna sa soap drama si direk Cathy pagkatapos ng Got To Believe kaya ang tanong namin ay, ‘paano na ang bahay mo? Balik-tanong namin sa kanya.

“I know, ‘yun nga ang tanong ko kay tita Malou (Santos), sabi ko, ‘tita Malou, paano ‘yung bahay ko?’

“Patapos na, eh, finishing touches na, eh, nag-slow down siya (bahay) bigla. Isang taon ko ng pinapagawa, July ko pina-start ‘yun, eh, kaso nga magastos, kaya natigil muna,” sabi sa amin.

Biniro namin na mag-advance na lang muna siya sa Star Cinema, “may na-advance na ako, chos,” birong sabi sa amin.

Sa Taytay Rizal daw itinayo ang bahay ni direk Cathy kasama ang mga anak at since taga-Angono, Rizal naman ang kanyang boyfriend na malapit na rin niyang pakasalan ay sa kanila raw titira ‘pag natapos ang bahay niya.

Hindi mo aakalain na ang isang blockbuster direktor ay wala pang sariling bahay kasi nga hindi naman kalakihan ang kinikita niya sa paggawa ng pelikula kaya hiniling niyang mag-soap drama muna siya at aminadong malaki ang kita.

“Wala akong naka-schedule ngayon (soap) parang feeling ko, kailangan kong tapusin muna itong movie (JLC at Sarah) bago ako mag-soap ulit,” say pa.

Sa kabilang banda, tila hindi pa naiisip ni direk Cathy ang pagpapakasal nila ng boyfriend niya dahil marami pa siyang project na kailangang dapat tapusin at excited siya sa nalalapit na pagpapalabas ng She’s Dating A Gangster sa Hulyo 16 na bukod kina Daniel at Kathryn ay kasama rin sina Khalil Ramos, Igi Boy Flores, Alexander Diaz, John Uy, Yana Asistio, Sofia Andres, Pamu Pamorada, at Marco Gumabao.

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply