Saturday , October 1 2022

Paghanga at pagrespeto namin kay Ate Vi, lalong tumaas

071014 Vilma Santos

ni Roldan Castro

NAKAKALOKA ang mga basher ni Governor Vilma Santos. Feeling matatalino, perpekto at ginagawang big deal ang isang maling spelling at maliit na bagay. Gawin bang big deal ng mga hinayupak na ‘yan. Hindi ba sila nagkakamali?  Lagi ba silang perfect? Mas ini-enjoy niyo at pinapansin ang pagkakamali niya pero hindi niyo nakikita ‘yung sincerity at pagiging thoughtful ni Gov. Vi.

Kung si Regine Velasquez nga ultimong spelling niya sa Tagalog ‘pag nagti-tweet ay may mali  minsan ay pinalalampas na dahil sabi niya may sakit siyang dyslexia, huh! Eh, kung sabihin din ng kampo ni Ate Vi na may dyslexia, ‘di tameme na ang beauty niyo, huh!

Anyway, mas lalong pinataas ni Gov. Vi ang paghanga at pagrespeto namin sa kanya dahil sa attitude niya sa isyu. Hindi naman kasi nakababawas sa dignidad niya at pagkatao niya bilang mahusay na aktres, epektibong public servant at bilang isang mabuting tao.

Text nga ni Gov. Vi kay Kris Aquino na pasimuno ng lahat dahil sa pag-post niya saInstagram, ”Tao lang… nagkakamali. Sa mga basher…salamat po…Again, thanks for believing in me. Until next time…”

‘Yun na ‘yun!

About Roldan Castro

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply