Sunday , January 29 2023

RoS tatapusin ng San Mig

HANGAD ng San Mig Coffee na tapusin na ang Rain Or Shine at iuwi na ang kampeonato ng   PLDT Home Telpad PBA Governors Cup.

Kaya naman ibubuhos ng Mixers ang kanilang lakas kontra Elasto Painters sa Game Four ng best-of-five series na nakatakda mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nakalamang ang Mixers sa serye, 2-1 matapos na magtagumpay sa Game Three, 78-69.  Nanalo din sila sa Game One, 104-101. Nagwagi ang Rai Or Shine sa Game Two, 89-87 sa overtime.

Kung muling mamamayani ang Mixers mamaya ay maiuuwi na nila ang kanilang ikaapat na sunod na titulo. Mabubuo din nila ang ikalimang Grand Slam sa PBA.

“You can’t talk about a championship or a Grand Slam until its done. We have so much respect for Rain Or Shine which is the mentally strongest team you’ll play. They don’t break,” ani San Mig Coach Tim Cone na naghahangad ding maiuwi ang ikalawang Grand Slam niya bilang coach. napanalunan niya ang unang Grand Slam niya habang hawak ang Alaska mik 16 taon na ang nakalilipas.

Minsan lang lumamang ang Rain or Shine sa game Three at ito’y nang buksan ni Beau Belga ang fourth quarter sa pamamagitan ng back-to-back baskets para sa 59-58 abante.

Pero sumagot ng anim na sunod na puntos si Ian Sangalang para mabawi ng San Mig Coffee ang abante. Si Sangalang ay gumawa ng walong puntos sa fourth quarter kung saan lumayo ang mixers, 71-61.

Sa import match-up ay dinaig ni Arizona Reid si Marqus Blakely. Si Reid, na naparangalan bilang Best Import ng torneo, ay nagtala ng game-high 31 puntos bukod sa walong rebounds, isang assist at dalawang blocked shots.

Si Blakely ay nagtapos nang may 17 puntos subalit humugot din ng 17 rebounds.

Ang problema’y tanging si Reid ang nagtapos ng may double figures sa scoring para sa Rain Or Shine.  Sa kabilang dako, si Blakely ay sinuportahan ni Sangalang na gumawa ng 13 puntos at Peter June Simon at Joe DeVance na nagtala ng tig-sampung puntos.

Sa kabila ng  pagkatalo ay naniniwala si Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao na kaya nilang itabla ang serye at puwersahin ang winner-take-all Game Five sa Miyerkoles.

Umaasa siya na si Reid ay matutulungan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee at Ryan Arana.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …

Mark Jay MJ Bacojo Chess

PH bet MJ Bacojo 2nd sa Hong Kong chess tilt

ni Marlon Bernardino MANILA — Iwinagayway ni National Master Mark Jay “MJ” Daños Bacojo ang …

Leave a Reply