Wednesday , October 5 2022

Draft lottery ng PBA babaguhin

SINIGURADO ng vice-chairman ng Philippine Basketball Association Board of Governors na si Patrick “Pato” Gregorio na magkakaroon ng malaking pagbabago sa draft lottery ng liga pagkatapos na masangkot si Komisyuner Chito Salud sa kontrobersiya sa nangyaring lottery noong Martes.

Matatandaan na binatikos ng kampo ng Rain or Shine si Salud dahil sa umano’y kaduda-dudang paraan ng paghugot ng bola na naglalaman  ng  pangalan ng Globalport bilang koponang hahawak ng top pick sa PBA Rookie Draft sa Agosto 24.

Humingi na ng paumanhin si Salud sa kampo ng Elasto Painters dahil sa nangyari ngunit hindi na uulitin ang loterya.

“Rain or Shine has accepted the apology of the commissioner,” ani Gregorio. “We don’t want this issue to get worse. There was no voting, just a consensus. We confronted the issue right away and we discussed the apology that was accepted by Rain or Shine.”

Wala sa pulong ang tserman ng lupon na si Ramon Segismundo ng Meralco na nasa Singapore ngayon.

“I wish to clarify my position regarding the PBA draft pick lottery incident. I recognize the right of ROS to question the process and the manner it was conducted,” pahayag ni Segismundo. “We learned from their valuable feedback and we will work on improvements immediately. I have the highest respect for ROS and its owners Raymund (Yu) and Terry (Que) and my colleague gov Mert (Mondragon) and value their contributions to the betterment of the league.”

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Leave a Reply