Saturday , October 1 2022

P3 bawas sa presyo ng bigas -Palasyo (P4.30 price hike sa gatas aprub)

TUMAAS mula 40 sentimos hanggang P4.30 ang presyo ng mga gatas sa buong bansa habang tatlong piso naman ang ibinawas sa presyo ng kada kilo ng commercial rice sa Metro Manila, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma, Jr., partikular na ipatutupad ang P3 kada kilong bawas sa presyo ng bigas sa mga lugar na sakop ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).

Ang pagbaba ng ha-laga ng bigas ay dulot aniya nang pagsalakay ng awtoridad sa tatlong bodega ng bigas sa Bulacan at kinompiska ang 80,076 sako ng bigas na may kabuuang 4,000 metrikong toneladang bigas.

Napatunayan sa pag-kilos ng gobyerno na totoo ang hinala na may hoarding o nang-iipit ng supply ng produkto at nagmanipula ng presyo kaya tumaas ang halaga ng bigas nitong mga nakalipas na linggo at matapos ito’y inaasahan nang luluwag na ang supply sa pamilihan.

Pinagpapaliwanag na rin aniya ang National Food Authority (NFA)-Bulacan provincial ma-nager at ang NFA-Region III director kung paano napasakamay ng mga pribadong manganga-lakal ang bigas ng NFA na nakalaan para sa mga kooperatiba.

Nahaharap ang nahu-ling rice trader sa kasong paglabag sa PD (Presidential Decree) No. 4 hinggil sa diversion of price at sa Price Act hinggil sa price manipulation na ang parusa ay mula lima hanggang 15 taon pag-kabilanggo.

Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa hala-ga ng processed na gatas epekto ng pag-akyat din ng presyo sa pandaigdigang pamilihan ng skimmed milk at whole powdered milk na pa-ngunahing sangkap sa paggawa ng evaporated, condensed, at powdered na gatas kaya tumaas sa 40 sentimos hanggang P4.30 ang suggested retail price ng nasabing mga produkto.

Nanawagan ang Palasyo sa publiko na isumbong sa Department of Trade and Industry (DTI) at law enforcement agencies ang sinomang labis na magpataw ng presyo at sangkot sa hoarding upang mahuli at masampahan ng kaso.

80,000 sako ng NFA rice nabawi sa hoarders

SINALAKAY ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Food Authority (NFA) ang 18 warehouse sa Kamaynilaan at ilang karatig-lugar dahil sa ilegal na pag-iimbak ng NFA rice.

Linggo ng umaga nang sabay-sabay na sinalakay ng awtoridad ang mga warehouse na may libo-libong sako ng NFA rice na ipinapalabas nila bilang commercial rice.

Personal na pinuntahan nina DILG Sec. Mar Roxas, NFA Administrator Arthur Juan at Sec. Kiko Pangilinan ang JY & Son warehouse sa West Service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Natagpuan ang 15,000 sako ng NFA rice ang isinasalin sa sako ng commercial rice.

Binabaliktad lamang ang mga sako upang maitago ang logo at maibenta nang mas mahal.

May nakita ang trak na may logo ng NFA upang hindi mamultahan sa ilalim ng truck ban.

Bukod dito, nagkalat ang dumi ng daga sa naturang warehouse maging ang mga nabubulok na bigas na naghalo-halo na sa lugar.

May makinang nakita ang CIDG na nagpapalabas umano na bago ang mga bigas na nakaimbak sa nasabing bodega.

Sa Barangay Tikay, Malolos, Bulacan, hinahaluan ang commercial rice upang palabasin na Sinandomeng.

Sinalakay din ang warehouse sa Barangay Bagbaguin sa Valenzuela maging ang ilang ilegal na imbakan sa Nueva ecija, Isabela, Cagayan at Pangasinan, ayon kay CIDG chief Director Benjamin Magalong.

ni ROSE ROVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply