Saturday , October 1 2022

HS principal, guidance counselor, 2 titsers inasunto sa pang-aabuso

DAHIL sa pang-aabuso sa mga estudyanteng menor de edad, isang high school principal, isang guidance counselor at dalawang guro sa Rodriguez Rizal ang sinampahan ng kasong child abuse sa Rizal’s Prosecutors’ Office.

Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa Rizal Prosecutor’s Office ng paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o child abuse ang principal ng Silangan National High School na nasa Tierra Monte, barangay Silangan, San Mateo, Rizal, na si Alfredo Lopez, 60; ang mga guro ng San Jose National High School sa Rodriguez, Rizal na sina Victorina Dineros at Hermie Santos; at ang guidance counselor na si Nelia Ong.

Ang apat ay inireklamo ng 16-anyos na estudyante at ng kanyang ina na pawang residente sa San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sa salaysay ni biktimang itinago sa pangalan Monica, noong Marso 2013, kasama niya ang kanyang kaklase nang makasalubong nila ang principal na si Lopez at pinagsalitaan sila ng masasama, minura at iniuntog sa pader ang ulo.

Sinabi ni Monica, wala silang alam na dahilan para gawin sa kanila iyon ni Lopez kaya wala silang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Hanggang nakasalubong nila ang kanilang MAPE teacher at sinabi nila ang ginawa sa kanila ng principal.

Agad din nagsumbong sa Bantay Bata ang biktima at pagkatapos ay nagharap ng reklamo sa Department of Education (DepEd) pero bago ang hearing noong Oktubre 7, 2013 ay nagpunta sa bahay ng biktima ang adviser niya na si Victorina Dineros at pinilit na papirmahin sa isang papel na hindi naiintindihan ang nilalaman ng nakasulat.

“Napilitan po ako pumirma kahit po labag sa kalooban ko kasi po ayaw niya umalis sa bahay namin hangga’t hindi po ako pumipirma,” pahayag ni Jennifer.

Pagkatapos ng hearing sa DepEd kinausap ni Nelia Ong, guidance counselor ng paaralan, ang biktima at pinipilit na umalis na sa nasabing paaralan dahil hindi na umano siya karapat-dapat na mag-aral doon.

Bukod kay Ong, inireklamo ng biktima si Hermie Santos, Filipino teacher, dahil sa palagiang pagpapahiya sa kanya, pagpapalayo sa mga kaklase, at pagbabalewala sa classroom.

Ayon sa biktima, nagpasya na silang magharap ng reklamo para mabigyan ng katarungan ang hindi magandang ginawa sa kanya at para makabalik na rin sa nasabing paaralan.

“Gusto ko na po matapos ang kaso kasi po nahihirapan na rin po kami ng nanay ko dahil masyado po malayo sa aming bahay ang pinapasukan ko ngayong paaralan. Malapit na rin po kasi ‘yan sa bundok,” pahayag ni Jennifer.

Dahil sa mga nabanggit na pananakot, pamimilit at pamamahiya sa kanya ng principal na si Lopez, guidance counselor na si Ong, at mga gurong sina Dineros at Santos napilitan lumipat ng paaralan ang biktima.

About hataw tabloid

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

092722 Hataw Frontpage

Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 

TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, …

5 RESCUERS PATAY SA FLASH FLOOD NG ULAN NI KARDING (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
5 RESCUERS PATAY SA FLASH FLOOD NG ULAN NI KARDING

BINAWIAN ng buhay ang limang rescuers sa matinding pagbaha sa Brgy. Camias, bayan ng San …

Leave a Reply