Wednesday , January 19 2022

3 UP USC officials sinuspinde sa hazing

TATLONG opisyal ng University Student Council (USC) ng University of the Philippines na kasapi ng Upsilon Sigma Phi Fraternity ang sinuspinde dahil sa insidente ng hazing sa unibersidad.

Una nang iniulat na isang estudyante ang sugatan at naospital dahil sa isinagawang initiation rites.

Napag-alaman na mga opisyal ng naturang samahan ang sinuspinde na sina USC Vice Chairperson JP delas Nieves, USC Councilor Carl Santos, at College of Business Administration (CBA) Representative to the USC Aaron Letaba.

Sa pahayag ng USC, Hulyo 4 ang epektibo ng preventive suspension sa tatlo at tatagal hanggang Hulyo 14, 2014.

Ang suspension ay bilang pagpapatupad ng USC ng kanilang House Rules on Incidentes of Organized Violence and Disrminination.

Nilinaw ng USC na ang pagsuspinde sa tatlong miyembro ng Upsilon ay hindi parusa kundi upang bigyang-daan ang isinagawang imbestigasyon sa nangyaring hazing.

Ngayong araw, Hulyo 7, magkakaroon ng emergency general assembly ang USC upang mapag-usapan ang kanilang magiging aksyon sa mga kaso ng dahas sa mga fraternity.

Posibleng humarap sa suspension o expulsion ang mga fratman na sangkot sa naturang kaso at mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law. (Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban …

money Covid-19 vaccine

Saan napunta?
P70.92-B INUTANG NG PH PAMBILI NG BAKUNA

ni ROSE NOVENARIO UMABOT sa P70,92 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula sa apat …

dead gun police

Sinas, NTF-ELCAC imbestigahan sa ‘bloody sunday ops’

DAPAT imbestigahan si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas at mga opisyal …

011722 Hataw Frontpage

Isama iba pang opisyal
UNVAXXED BARANGAY CHAIRMAN RESIGN — DILG

ni ROSE NOVENARIO PINAGBIBITIW o pinagbabakasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang …

CoVid-19 vaccine

Dahil sa CoVid-19 reinfection
3,114 HEALTHCARE WORKERS SA NCR NASA ISOLATION

MAY 3,114 healthcare workers sa National Capital Region (NCR) ang nasa isolation dahil tinaman muli …

Leave a Reply