Thursday , August 18 2022

Joyce Ching, isang rebeldeng anak!

070414 Kamkam

ni Nonie V. Nicasio

ISANG rebeldeng anak ang ginampanan ni Joyce Ching sa pelikulang Kamkam na pinagbibidahan nina Jackie Rice, Allen Dizon, Jean Garcia, Sunshine Dizon, at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

“Anak po ako rito nina Ms. Jean at Sir Allen, rebeldeng anak po ako rito, karelasyon ko si Hiro (Peralta), pero pinipigilan po nila ang relas-yon namin. Hindi naman ako sobrang katarayan dito, pero hindi rin ako sobrang mabait,” panimulang kuwento ni Joyce.

“Masaya at satisfied ako sa movie na ito, kahit na hindi ako major-major character rito, pero iyong privilege na makatrabaho mo sina Direk Joel, Sunshine, Ms. Jean Garcia at iba pa, ang laking bagay na po niyon.

“Plus iyong story pa, medyo nagkakalapit sa totoong mga nangyayari sa Pilipinas, kaya awareness din ito sa mga tao,” dagdag ni Joyce.

Ang pelikulang Kamkam ay showing na sa July 9. Ito ay Graded-A ng Cinema Evaluation Board. Mula sa Heaven’s Best Entertainment at tinatampukan din nina Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Lucho Ayala, Rita de Guzman, Athena Bautista, Zeke Sarmenta, at Kerbie Zamora.

About hataw tabloid

Check Also

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Jessy Mendiola Luis Manzano baby

Jessy ibinahagi baby bump at sonogram ni Little Peanut

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASAYA at proud na ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang baby bump …

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Leave a Reply