Sunday , August 14 2022

Misis na pipi utas kay mister na kapwa pipi (May iba umanong lover)

LAOAG CITY – Agad namatay ang isang piping misis makaraan saksakin ng asawa niyang isa rin pipi sa Brgy 9, San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Yvette dela Cruz, 29, habang ang suspek ay si Mark Neil dela Cruz, 28, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa salaysay ni Macario dela Cruz, ama ni Mark Neil, nanonood siya ng programa sa telebisyon nang biglang marinig ang sigaw ng kanyang manugang na si Yvette sa bahay ng kanilang lola.

Agad siyang sumaklolo sa kanyang manugang at nang buksan ang pintuan ay tumambad sa kanya ang duguang si Yvette.

Nakita rin niya ang kanyang anak na si Mark Neil na may hawak na kutsilyo kaya’t sinubukan niyang agawin ang patalim dahilan upang masugatan din ang ama.

Ani Macario, nasabi sa kanya ng anak na may ibang lalaki ang kanyang asawa.

Nasa kustodiya na ng PNP San Nicolas ang suspek na isa rin pipi.

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply