Wednesday , February 1 2023

2 sa 11 fratmen sa deadly hazing tukoy na — MPD (Tau Gamma Phi hindi AKRHO)

070114_FRONT

KINILALA na ng Manila Police District (MPD) ang dalawa sa 11 estud-yante ng De La Salle University na sangkot sa madugong hazing na ikinamatay ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando, sophomore sa College of St. Benilde ng DLSU.

Tinukoy ni MPD director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang dalawang suspek na sina Trext Garcia at Hans Tamaring, pawang es-tudyante ng DLSU.

Sa press conference, itinuwid din ni Asuncion ang naunang ulat na AKRHO o Alpha Kappa Rho, isang UST-based fraternity, ang nasa likod ng hazing.

Dagdag niya, ito aniya ay upang ilayo sa tunay na nangyari ang nasabing kahindik-hindik na krimen at upang mapangalagaan ang mga biktima.

Sinabi ni Asuncion, isa sa mga biktima ang umamin na sila ay ni-recruit at sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi, isang fraternity na nakabase sa DLSU.

Tinutunton na rin aniya ng mga pulis  kung saan isinagawa ang ha-zing.

Nabatid din sa opis-yal na ang grupo ng mga biktima at mga suspek ay sumakay lamang sa dalawang taxi patungo sa condo unit ni John Paul Raval.

Hinala ni Asuncion, malapit lamang sa condo unit ni Raval ang pinangyarihan ng insidente dahil  pumatak lamang sa P50.00 ang taxi fare ng grupo, ayon aniya sa nakalap nilang impormasyon.

Kahapon, ipinakita sa media ng homicide investigators  ang nakuhang footage mula sa closed circuit television (CCTV) camera kaugnay sa pagdating  ng grupo sa One Archer’s Place na tinutuluyan ni Raval, anak ni retired General Manuel Raval.

Makikita sa footage na si Servando ay buhay pa ngunit hindi na maka-gulapay paglabas sa elevator ng ika-29 palapag na kinalalagyan ng unit ni Raval dakong 9:30 p.m. nitong Sabado.

Ang biktima ay hinila na lamang ng tatlong lalaki dahil may kalakihan ang katawan ngunit hindi nakita kung nakatuloy pa sila sa mismong unit ni Raval sa condo.

Samantala, ang tatlong biktima na sina Raval, Levin Roland Flores, at Lorenze Agustin ay inilabas na ng kanilang mga magulang mula sa Philippine General Hospital at dinala sa ibang pagamutan.

Tumanggi muna ang pulisya na isapubliko ang mga ospital na pinagdalhan sa mga biktima.

Samantala, ayon sa source, hinihinalang sa loob mismo ng campus ng La Salle naganap ang initiation rites ng nasabing grupo.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …

Leave a Reply