Friday , August 12 2022

Maegan Aguilar nagmahadera sa taping ng “Face The People” (Lantarang binastos ang audience! )

ni Peter Ledesma

Kami uli ng BFF kong si Pete Ampoloquio, Jr., ang kinuhang guest reporter ng nag-babagong bihis na “Face The People” para sa episode na guest ang rakistang singer na si Maegan Aguilar. Siyempre ang topic sa episode na ‘yun ang pinagpipiyestahan hanggang ngayon na away ni Maegan at ng amang si Freddie Aguilar. Sa simula ng taping ay okey naman ang daloy ng usapan. Pero biglang nag-freak out si Maegan nang marinig ang dalawang audience na panig sa kanyang tatay Freddie nang hingan sila ng kanilang opinyon ng mga host ng show na sina Gellie de Belen at Christine Bersola-Babao. Sa natu-rang taping ay ini-welcome na ng dalawa ang bagong co-host na makakasama na nila sa bagong anyo na Face The People na si Edu Manzano. Si-mula sa July 7 ay mapapanood na ang pilot episode nito sa mas pinaagang oras na 10:15 a.m. Mondays to Fridays. So ‘yun na nga nag-umpisa nang magmahadera si Maegan at ayaw niyang tanggapin ang mga payo sa kanya na makipagbati sa kanyang ama. Nang kami na ni Pete ang umeksena noong una ay okey lang pero patagal nang patagal naging barubal na rin sa pagsagot sa amin ang babaeng walang ka-breeding-breeding sa katawan. The nerve ang pagtatalak niya nang walang humpay na hindi siyempre namin pinalampas ni Pete. Alam namin na nasa tama kami ng aking amiga sa pagtatanggol namin kay Kaka Freddie. At kung inaakala ninyo na si Maegan lang ang nagmaganda sa taping hindi po! Dahil umeksena ang guest rin nang hapon na ‘yon na si Marlene Aguilar, ka-patid ni Freddie at tiyahin ni Maegan . Buong ningning na ipinagmalaki ng lunatic beauty (Marlene) ang kanyang pagiging publisher at famous author ng ilang libro. She is globally famous raw at kami raw ni Pete, ano raw ba ang maipagmamalaki namin. Soplang-sopla ang babaeng walang takot na nagtaas ng maitim niyang kili-kili nang sagutin siya ni Pete kung saan kinabog pa ang kanyang pagiging articulate. Tawagin ba namang cheap kaming mga entertainment writers at basura sa pa-ningin. Ang kapal-kapal ng apog ‘di ba? Well pahiya siya nang sabihin ni Pete na kilala nga siya sa ibang bansa pero pinagtatawanan naman siya ng publiko sa kanyang imahe na may pagkaluka-luka! Hayun na, biglang nag-dialogue ang Maegan na pine-personal na raw namin ang kanyang Tita Marlene at hinatak niya sabay baba ng stage at walkout. Kung bumalik pa ba ang mga pasaway na nilalang at kung ano nangyari sa eksena namin ni Pete? Panoorin ninyo sa Face The People on July 7. Kapuri-puri pala ang lahat ng staff at bossing ng show tulad ng kanilang Executive Producer na si Ms. Hilda, at Production Manager na sina Ms. Nel at Ms. Marge dahil naging fair sila sa bawat kampo. Gusto nga pala namin pasalamatan ang nag-invite sa amin na si Ms. Cates Cruz na isa sa pambatong researcher ng Face the People.

Love all of u gyud!

IKAW LAMANG, PINATUMBA NA ANG 2 KATAPAT NA SHOWS SA KAPUSO NETWORK

For the record, dalawang GMA shows na ang tumapat sa Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu at dalawang beses na rin silang itinumba ng master serye ng ABS-CBN. Nauna na rito ang Carmela. Last week na ng Kambal Sirena, pero mukhang hindi na kayang humabol pa sa rating ng Ikaw Lamang na nangungunang teleserye nga-yon sa Primetime Bidas. Doble ang lamang ng Ikaw Lamang sa rating ng mermaid show ng GMA na walang patid ang pangungulelat gabi-gabi.

After Kambal Sirena, isang bagong show ang itatapat sa Ikaw Lamang. Let’s see kung ano naman ang magiging kapalaran ng pantapat na show nito pero masasabi lang namin, better luck next time na lang, kasi alam mo naman kung ano ang mangyayari? Hindi naman sa pagiging biased or something, ang lupit naman kasi ng Ikaw Lamang. Gabi-gabi ay may nagaganap na unexpected twists. May mga rebelasyon na kagulat-gulat. At talaga namang kahanga-hanga ang performance ng lahat ng casts, as in lahat sila napakahusay! Oh well, hindi na kami nagtaka kung bakit No. 1 primetime teleserye ang Ikaw Lamang at never talagang pinagsasawaan ng TV viewers. Mapapanood ang IL pagkatapos ng Dyesebel ni Anne Curtis na reynang-reyna rin sa ratings game.

“BE CAREFUL WITH MY HEART,”MAGPA-FAST FORWARD MAMAYA NA

Bibilis ang takbo ng mga kaganapan sa “Be Careful With My Heart” ng ABS-CBN ngayong linggo. Dahil mamaya (Hunyo 25), magpa-fast forward ng dalawang taon ang kwento. Two years old na ang Baby Kambal nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap). Ano-anong malalaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ng pamilya Lim ngayong singkulit na ni Maya sina Sky at Sunshine?

Huwag palampasin ang “big change” sa no. 1 feel-good habit ng bayan at Best TV Drama Program ng 22nd KBP Golden Dove Awards, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-“like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com /becarefulwithmyheartofficial.

About hataw tabloid

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply