Tuesday , August 16 2022

Isabelle De Leon, gustong makatrabaho someday sina Kathryn at Daniel

062514 Isabelle De Leon kathniel
ni Nonie V. Nicasio

AKTIBO na naman sa showbiz si Isabelle de Leon. Siya ang dating child star na nakilala sa TV show na DaddyDiDoDu na pinagbidahan ni Vic Sotto. Gumanap din siya sa markadong papel bilang batang may cerebral palsy sa award winning movie na Magnifico noong 2003.

Ngayon, bukod sa acting ay singer na rin si Isabelle. Katunayan, labas na ang album niyang Love Zone mula PolyEast Records.

Ayon sa kanya, nagmula talaga siya sa pamilya ng musicians. “I came from a family of musicians, nauna lang po ma-tap iyong acting side ko. I started writing songs when I was 16 years old and at the moment ay mayroon po akong naisulat na 40 original songs. Kasama na po roon iyong six songs from my album.”

Bukod sa forthcoming niyang TV series na Trenderas sa TV5, may movie rin si Isabelle na pinamagatang Marka.

“Iyon pong Trenderas sa TV5, a musical comedy-drama show. Ang co-trenderas ko ay sina Kat Velarde and Lara Maigue. We are honored to be working with the one and only superstar, Ms. Nora Aunor.

“Tapos ang movie naman, ‘yung Marka, na isa pong anti-bullying film na pinagbibidahan ni Martin del Rosario, Ken Anderson na kapatid ni Gerald Anderson, Jay Franco, Jao Mapa, at iba pa. Mula ito sa direction ni Direk Neal Tan.

“Produced po ito ng dating That’s Entertainment member na si Mr. Jojo Matias at sana ay abangan nila ang movie, lalo na ng mga kabataan dahil nababagay po ito sa panahon at eye opener po ang film na ito,” esplika pa niya.

Sinabi rin ni Isabelle na ang hottest love team ng bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang favorite niyang teenstars.

“Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla po, kasi mahusay sila at mababait,” tugon ng 19 years old na singer/actress. Idinagdag niyang someday, gusto niya rin makatrabaho sina Kathryn at Daniel?

“That would be lovely, if I could work with them – Kathryn and Daniel!”

May dream role ka ba na gusto mong magampanan? “Any challenging role po na taliwas sa personality ko. Iyon po kasi ‘yung mga masarap gampanan, dahil kailangan mong bumuo ng bagong pagkatao.”

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Iza Calzado pregnant

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin …

Leave a Reply