Happy Birthday Cocoro Nakahara
MASAYANG ipinagdiwang ni Cocoro Nakahara ang kanyang birthday last June 23 sa K-Pub BBQ Grill sa The Fort. Present sa selebrasyon ang singers na sina Duncan Ramos, Mojak, The Glitters, ang Biggest Loser winner na si Bryan Castillo, at iba pa. Labis-labis ang katuwaan ni Cocoro sa selebrasyon at sa pamamagitan ng interpreter, sinabi niyang mas lalo siyang naengganyong mag-business sa Pilipinas dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Filipino. Si Cocoro at Jackie Dayoha ay mag-business partner. Isa sa punong abala kagabi si Mayette Castillo.

