Speech nina Bong at Jinggoy, walang wawa

ni Ronnie Carrasco III

[divider]

WITH the permission of Jukebox Queen Imelda Papin ay lalapatan ng inyong lingkod ng ibang titik ang kanyang awiting Isang Linggong Pag-ibig.

Pero sa pagkakataong ito, walang tema ng pag-ibig ang aming kanta, much less about a story that literally spans from Monday to Sunday.

Halina’t sabayan n’yo po kami sa pag-awit ng:

Lunes nang sumalang si Bong Revilla

Pinagtatawanan hanggang sa social media,

Miyerkoles, ‘di nagpakabog si Jinggoy Estrada

Na wala rin namang wawa mga tiradang winika,

O, kaysakit ng kanilang sitwasyon

Sandiganbayan ang siyang may desisyon

Na sila’y ikulong

Dahil sa pandarambong

Mga kawawang solon

Ng higanteng telon