Wednesday , August 17 2022

Sex video peke — Leila

ITINANGGI ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroon siyang sex video.

Sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments, hindi maiwasang usisain ang kalihim sa sinasabi ni Whistleblowers Association president Sandra Cam na may sex video si De Lima.

Ayon kay De Lima, peke ang naturang sex video kung ilabas man ito at siya ang makikita.

“I’m sure that’s a fake,” ani De Lima patungkol sa sex video.

Banta lang aniya ito ni Cam at ngayon pa lang ay may ginagawa na aniyang krimen ang whistleblower.

Paglabag ito, ayon kay De Lima sa Anti-Voyeurism Law kung ilalabas ni Cam ang sinasabing sex video.

Gayon man, nanindigan ang kalihim na hindi niya papatulan ang isyu at hindi rin magsasampa ng kaso laban kay Cam.

Nauna rito, nagbanta si Cam na ilalabas ang sex video kapag nakalusot si De Lima sa CA.

Kahapon ay tuluyan nang nakompirma ng CA si De Lima.

(NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Las Piñas City hall

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap …

MMDA, NCR, Metro Manila

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa …

electric wires

Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na

NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod …

shabu drug arrest

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga …

Leave a Reply