Tuesday , November 29 2022

Pinto kinakatok ng tatlong beses

Dear Señor H,

Nanaginip po ako gabi-gabi na may kumakatok sa pin2 ng 3X kaya ako biglang nagigising na subra ang kaba, buwan dn bago mawala ung panaginip ko plz pki interpret nman po Señor thank u.

(09467638855)

To 09467638855,

Ang pabalik-balik na panaginip ay kadalasang nangyayari na mayroong kaunting pagkakaiba lang sa tema ng panaginip mo. Ang ganitong panaginip ay maaaring positibo ang hatid, subalit kadalasang nightmarish o hindi maganda ang nilalaman nito. Posibleng ang rason nito ay dahil ang conflict na nasa iyong panaginip ay hindi pa nareresolba o hindi mo binibigyan ng pansin. Ngunit sa oras na nakahanap ka na ng solusyon sa bagay na ito, kusang matitigil ang ganitong klase ng panaginip. Kadalasan na ang mga panaginip ay may hatid na mensahe na naglalayon turuan ka hinggil sa iyong sarili. Gayonman, madalas din na paggising natin upang gawin ang ating pang-araw-araw na routine, may mga taong nakakalimutan ang kanilang napanaginipan. Maaaring ang mensahe ng paulit-ulit na panaginip ay sobrang mahalaga o malakas kaya hindi ito umaalis o madalas mangyari ulit. Ang rason nito ay upang mapansin mo ito at gumawa ka ng hakbang. Pangkaraniwan lang naman ang ganitong sitwasyon na bunsod ng mga bagay na nangyayari sa ating paligid, suliranin, o mga pagbabagong kinakaharap na labis na nagbibigay ng malaking epekto sa atin. Ang ganitong panaginip ay maaaring maulit ng once a week o once a month. Subalit gaano man ito kadalas, ito ay nagha-highlight ng personal weakness, fear, or your inability to cope with something in your life – sa kasalukuyan man o sa nakalipas. Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ang repetitive patterns ng inyong panaginip. Maaaring may kaugnayan ito sa conflict o mga sitwasyon na hindi pa natutuldukan, nareresolba o nagkakaroon ng closure. Dapat lang na maintindihan ang mensahe ng panaginip na paulit-ulit at harapin ito.

Kapag nanaginip na may kumakatok, ito ay nagsasabi na ang iyong subconscious ay kinukuha ang iyong atensiyon sa aspetong pangsarili mo o sa estadong ikaw ay gising. Maaaring nagpapahayag ito ng ukol sa bagong oportunidad para sa iyo. Alternatively, maaaring isang biro o paalala rin ito hinggil sa pang-iinsulto sa ibang tao. O kaya naman, maaaring may mga habit o ugali na dapat mo nang itigil.

Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Ang bukas na pinto ay nagsasaad din ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsasabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkakataon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad. Kaya dapat kang maging alisto at mag-ingat sa ganitong klase ng tao.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Manipis na buhok pinakapal ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Puregold Nasa Iyo ang Panalo

Nasa Iyo Ang Panalo digital ad series ng Puregold panalo sa netizens

MINAMARKAHAN ng taong ito ang ika-25 taon ng Puregold bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. …

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Kulugo sa paa tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong,                Ako po …

BONDS by IQOS Philip Morris

Para sa smoke-free future
PMI NAGLUNSAD NG ABOT-KAYANG HEATED TOBACCO

INILUNSAD ng Philip Morris International Inc. (PMI) ang kanilang bago at abot kayang heated tobacco …

Leave a Reply