Thursday , December 8 2022

SoJ Leila de Lima may moral ascendancy pa ba? (Ilabas mo na ang sex cam, Ms. Sandra Cam)

00 Bulabugin JSY

HINDI ko maisip kung bakit namamarkahan si Justice Secretary Leila De Lima ng isang nakahihiyang tsismis.

Ayaw sana nating patulan ang mga inilalabas na ‘isyu’ ni Whistleblower president Sandra Cam, pero ang punto lang natin, bakit mayroong mga ganitong usapin na lumalabas laban kay SoJ De Lima.

Kung tutuusin, hindi man totoo ay nakahihiya nang masangkot ang isang opisyal ng pamahalaan lalo na kung ikaw ay isang Justice Secretary na kagaya niya sa mga isyung illicit affair (pakikiapid) at sex video.

Hindi naman tayo male chauvinist pig, pero alam n’yo naman sa lipunan nating mga Filipino, hindi kabawasan sa isang lalaki kung masangkot man siya sa sex scandal (pwera na lang kung presidente ka ng bansa) pero sa isang babaeng opisyal ng pamahalaan at sa departamento pa ng katarungan, hindi ba’t napakalaking kahihiyan n’yan?!

Kung dati ay napakatakaw sa press conference at media mileage ni Madam Leila kung kaya’t laging nakababad sa TV camera, e bakit ngayon, hindi niya masagot ang mga isyung inilalabas ni Sandra Cam?

Dapat sagutin ni Justice De Lima ang isyu ni Sandra Cam na hindi lang once kundi twice pa siyang na-involved sa illicit affair.

Okey lang sana kung puson ‘este puso lang ang pinag-uusapan dito, ang masama, totoo bang dahil sa mga illicit affair na ‘yan ‘e naimpluwensiyahan ang mga kasong dating kinakaharap ni dating PNP official Cesar Mancao habang ang kanyang latest paramour naman ay ginagamit umano ang kanyang ‘powers’ sa fixing activities sa DoJ at Bureau of Immigration?!

Tsk tsk tsk …

Poor lady official…

Isang malaking kahihiyan ‘yan hindi lang sa sarili mo kundi matinding bahid din ‘yan sa karera ninyo at sa administrasyon ni PNoy …

Why don’t you stand up and fight for your rights?!

Speak up, higit kailanman ngayon kayo dapat mag-ingay sa media.

Ano ba talaga ang totoo sa sex cam ni Sandra Cam, paki-explain na nga, SoJ Madam Leila!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply