Wednesday , December 7 2022

Sen. Jinggoy ngumangawa sa pag-aresto laban sa kanila

00 Bulabugin JSY

HINDI natin alam kung ninerbiyos na, nagpapaawa effect o hindi na maipirmis ni Senator Jinggoy ang kanyang puwet.

‘E wala pa man, inuunahan na niya ang warrant of arrest na ipalalabas ng Sandiganbayan laban sa kanilang tatlo nina Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Nagpe-playing hero pa huwag na raw ikulong si JPE, kasi damatans na.

‘E Naisip naman kaya ni JPE na hindi na siya dapat nakisangkot sa pagdiskarte sa kanyang pork barrel dahil matanda na siya at napakarami na niyang kwarta?!

Ubos naman ang effort ni Sen. Bong para pigilan ang plunder trial. Maubos kaya ang kinita niya sa P10-billion pork barrel scam?

Si Sen. Jinggoy naman, humahamig pa ng awa at simpatiya para sa kanyang pamilya.

Akala mo umaakting at may ginagawang pelikula?

Maya’t maya ‘e pamilya ang bukambibig niya. Gusto pang magmukhang kawawa ang pamilya nila para makakuha ng simpatiya.

‘E ‘yung milyon-milyong pamilya at masa kaya na nagutom, hindi nakapag-aral at hindi nakapagpagamot sa mga ospital kapag nagkakasakit, naisip kaya niya ang mga kasiphayuang dinanas nila dahil sa pandarambong ng tatay niya, at ngayon ay siya naman?!

Naawa ba siya sa masang naghihirap!?

Sila sa malalaking mansion nakatira, magagara ang kotse, nakakakain ng masasarap, nakapag-aaral sa mamahaling unibersidad, mga naka-signature ang damit, bag at sapatos, may mamahaling gadget at nakapagbabakasyon sa ibang bansa na gustuhin nila!

Ay sus naman!

Pustahan tayo ang kasunod n’yan, magkakasakit ‘tong tatlong senador na ito at magpapalamig-lamig na rin sa ospital …

Baka makarating pa sa rest house nila sa Tanay.

Wala bang ibang bagong drama?

Napanood ko na noon ‘yan sa erpat mo!

Mas mabuti na harapin ninyo ang ‘consequences’ sa sobrang ‘pagmamahal’ ninyo sa kwarta ng bayan!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply