Tuesday , November 29 2022

Showbiz mom nakiki-text lang sa staff (Sa dami ng datung ng kanyang star na daughter)

ni Peter Ledesma

PARANG ang hirap paniwalaan pero totoo raw talaga na sa kabila ng kayamanan ng kanyang star daughter ay hindi pa rin nakakawala o hindi pa rin nakalilimutan ng showbiz mom ang pagi-ging mahirap nila sa buhay.

Sa pagkain na nga lang raw sa bahay ng tinutukoy nating nanay ay bihirang makakain ng karne ang kanilang mga kasambahay. Madalas ay isda o gulay lang ang lafang. Ang nakalolokah pati ‘yung anak na artista at singer na kumikita ng milyones ay hindi man lang daw patikimin ng luho kahit minsan.

Heto pa, ang nakatatawang eksena sa sobrang inuyat ni madir ay bihira siyang magpa-load sa kanyang cellphone. Yes, kahit na super duper rich na sila dahil big star nga ang kanyang daughter ay hindi linya ang gamit ng pamilya sa cellphone kundi prepaid load lang. So kapag walang load sorry, dahil ‘di sila puwedeng mag-text o tumawag.

Kuwento pa ng ating source, nakiki-text lang daw si mother sa staff ng kanilang resto business. Ganoon! Kinakabog pa siya ng mga ordinaryo lang naman na empleyado.

Maderaka nakababaliw kang tunay gyud!

PAGIGING ACTRESS NI BEA ALONZO, MAS LALONG NAG-LEVEL UP SA “SANA BUKAS PA ANG KAHAPON”

MARAMI ang agree na si Bea Alonzo na nga ang bagong movie queen ng bagong heneras-yon.

Well, sa dekadang career ni Bea, marami nang napatunayan ang mahusay na actress. Magmula sa kanyang mga teleseryeng ginawa sa ABS-CBN at kaliwa’t kanang mga pelikula sa Star Ci-nema ay consistent si Bea sa pagiging isa sa bankable star ng Kapamilya network.

Kaya naman pati ang original na “Queen of Philippine Movies” na si Ms. Susan Roces na part ng malaking teleserye ng actress ngayong taon even Ms. Dina Bonnieve ay humahanga talaga sa kanya. Malaki at mataas ang respeto nina Tita Susan at Dina kay Bea bagay na ikinataba nang husto ng puso ng dalaga.

Kaya naman sabi niya, bago ang kanilang ta-ping ay nag-ready talaga siya sa kanyang mga character na “dual role” ang ginagampanan niya sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, nang sa ganoon ay hindi naman siya mapahiya sa mga bigating co-star. Wala naman silang masabi even their directors na sina Trina Dayrit at Jemome Pobo-can dahil ang galing-galing ni Bea sa seryeng ito ng Dreamscape Entertainment Television.

Kung sina Tita Susan at Dina ay malaki ang admiration sa actress, ang TV viewers, pa kaya? Tiyak majority sa mga manonood ay pupuri sa nakapakagandang performance ni Bea kasama ng bagong leading man na si Paulo Avelino.

Simula sa June 16 ay mapapanood na ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Subaybayan ang kuwento ng dalawang magkaibang babae na kapwa naghahanap ng hustisya ang makikilala ng TV viewers. Gagampanan ni Bea ang roles ng matapang na abogadang si Emmanuelle at ang mabuting loob na tagapagmana ng isang malaking kompanya na si Rose, na kalaunan ay mapagbibintangan ng isang krimen na hindi niya ginawa. “Magkaibang-magkaiba ‘yung dalawang characters ko. Si Emmanuelle, may magandang career pero hirap siya na maging mabuting ina para sa anak niya. Si Rose naman, kahit na lumaki sa yaman ay wala siyang tiwala sa sarili dahil sa panlalait ng ibang tao sa itsura niya,” say ni Bea sa magaganap sa kanyang pinagbibidahang teleserye.

Paano pag-iisahin ng tadhana sina Rose at Emmanuelle na kapwa naghahanap ng hustisya? Kaya bang burahin ng katarungan ang sakit na idinulot ng mga taong umapi sa kanila? Posible bang mapatamis ng tunay na pag-ibig ang lahat ng pait na nasa puso nila?

And to complete the cast ay nariyan rin ang dalawa sa mga bagong Kapamilya childstar na sina Miguel Vergara at Ben Isaac at sina Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Mangundayao, at Michelle Vito.

Tampok rin sa serye sina Bembol Rocco, Christian Vasquez at Lara Quigaman. Last June 3, isang grandiosong press conference ang ibinigay para sa pinakamagastos na teleserye ng taon at gina-nap ito sa sosyal na venue na LA CHANDELLE Events Place iba’t ibang flavor at brand ng chocolates ang ipinatikim ni Bea sa lahat ng mga invited na entertainment press na kompleto ang attendance.

Sa June 16 na ang nakatakdang pilot episode ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Kaya’t simulan nang markahan ang inyong kalendaryo sa petsang ‘yan.

NANG-OOKRAY SA “SUFFER SIREYNA” NG EAT BULAGA NAIINGGIT LANG

May showbiz writer at blogger na nang-ookray sa kinaaliwang segment sa Eat Bulaga sa Juan For All, All For Juan na “Suffer Sireyna” na parang chaka version ng hit na hit na Super Sireyna.

Sabi ng mga hunghang, parang lumampas na raw ang programa sa kanilang limitasyon na ginagawang katatawanan ang mga bato-batong bakla sa Barangay. Mga tange, pala kayo bakit ninyo pinapanood ang EB?

Ibig sabihin nag-e-enjoy kayo ‘di ba? Saka mahal ng show ang mga Dabarkads at kung may portion man sila para sa mga bading na hindi kagandahan na aprub sa mga kapatid natin kaya sila sumasali rito ay walang intensiyon ang Bulaga na manakit ng kapwa.

Kayo nga ang tumulong at maglabas ng mil-yones araw-araw magagawa n’yo kaya ‘yan!

Palibhasa marami talaga ang inggit sa EB dahil hanggang ngayon lampas tatlong dekada na ay hindi pa rin sila iniiwan at pinagsasawaan ng TV viewers mula Aparri hanggang Jolo.

Hindi apektado ang programa basta’t kung alam nilang marami silang mapasasaya ay go nang go lang sila gyud!

‘Yung premyong kinukuwestiyon ninyo ay ‘yun talaga ang konsepto ng naturang segment at off cam may dagdag pa silang papremyo na personal na iniaabot sa kanila ng JOWAPAO na sina Jose, Wally at Paolo.

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Blind Item Corner

Male star naudlot makuha ang grandslam

ni Ed de Leon HINDI lang naman sa panahong ito may mga artistang nananalo ng …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWANni Ed de Leon NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang …

Leave a Reply