Friday , January 21 2022

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-46 labas)

DAHIL SA NABUONG PLANO NINA NI TUTOK, IGINARAHE ANG TRICYCLE AT PINAMANHID NG ALAK ANG KONSIYEMSIYA

Gaya nang pagkasabi sa akin ng mga kapwa tricycle driver, mukha ngang asensado na si Tutok. Sa mga batang-kalye, “hebi-gats ang arrrive” ng tokayo ko. Nang makita niya sa mukha ko ang pagkamangha ay nagliyad siya ng dibdib.

“Ano’ng masasabi mo, ‘Dre?”

Napaangat ang tingin ko sa mukha ni Tutok. “Marami ka na bang pera sa bulsa?” ang biglang lumabas sa bibig ko.

Napangisi ang tokayo ko.

“Madali lang ang pera,” aniya sa himig pagmamagaling. “’Wan klik lang ‘yan sa ‘kin!”

May ilang saglit din akong napako sa pinagkakatayuan.

“Magkakapera ka nang ‘di papawisan,” diga sa akin ng tokayo ko. “Mas mahirap pa nga ang pag-ebak ng tibi!”

At nakubabawan ako ng malakas na tukso ng “demonyo” sa katauhan ni Tutok.

Masinsinan kaming nag-usap ni Tutok sa bahay ko. Nagharap kami roon nang walang alak na pinaghaharapan. Gusto ko kasing maging “matino” ang pag-uusap naming ni Tutok sa tinatawag niyang “proyekto.” ‘Yun ang mabilisang operas-yon sa panghoholdap, batay sa yari ng pla-no ng tokayo ko. Sa pagtaya, hindi bababa sa kalahating milyong piso ang aming pagpaparti-partehin, kung saka-sakali. Makakasama namin ang matangkad na lalaking patpatin. Si Dennis.

“Siya ang magmamanman sa subject,” ang patuloy na pagpapaliwanag sa akin ni Tutok. “Tapos, s’ya na rin ang magsisilbing bak-ap natin sa aktuwal na operasyon.

Sekretarya sa isang malaking kompanya sa Quezon City ang nabanggit na “subject.” Siya ang tagadeposito at taga-withdraw ng pera sa banko. Tuwing Biyernes, dakong alas-nuwebe ng umaga, ang kinsenasan-katapusang pagkuha nito sa banko ng perang pampasweldo sa mga empleyado.

“Ikaw naman ang magda-drive sa motorsiklo ko,” pagtuturo sa akin ni Tutok. “Magaling ka sa single na motor, nakita ko na ang pruweba mo noong araw pa.”

Matagal na ang araw na ‘yun. Bagumbago pa noon ang motorsiklo ng sidecar ko. Tinesting ko ang tulin sa pakikipagkarera sa isang magilas na binatilyong nakasabay ko sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Nagtapos ang usapan namin ni Tutok sa pagkakasundo na mu-ling mag-usap kinabukasan sa isang kilalang fastfood sa pa-nulukan ng Recto-Avenida.

Nang makaalis ang tokayo ko, tinamad na akong mamasada ng traysikel. Bumili ako sa tindahan ng malaking emperaning. Tubig ang pinaka-tseser at walang-pulut-pulutan, nagsolo ako sa paglaklak. At minsan pa, gusto kong mapamanhid ang sarili upang hindi tumalab ang sundot ng aking konsiyensiya. Hindi na ako makaaatras sa napagkaisahan namin ni Tutok.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply