Thursday , July 25 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 14)

GINAMIT NG HALIMAW ANG IMAHEN NI ZABRINA PARA SAGPANGIN SI BAKLITA

“‘Lika… Hanapin natin ang Kuya Roby mo at si Zaza,” pagbobuntaryo ni Baklita.

Ginalugad nina Zabrina at Bambi ang maraming lugar sa kabayanan.

“Hayyy! Para tayo nitong naghahanap ng karayom sa ga-bundok na bunton                               ng dayami,” litanya ni Bambi na pakendeng-kendeng sa paglalakad.

“Pahinga muna tayo sandali … Bibili lang ako ng softdrinks, ha?” ang paalam ni Zabrina kay Bambi.

Nagtuloy si Zabrina sa isang convenience store. Nagpahangin-hangin naman si Bambi sa kalapit na parke.

Binalikan si Bambi ni Zabrina at binigyan ng malamig na inumin. At pagkaraan niyon ay naghawak-kamay ang dalawa sa paglalakad upang muling hanapin sina Roby at Zaza.

“Ano ka ba, girl? Bilis-bilisan mo naman ang lakad,” angal ni Bambi na hila-hila sa kamay ang kasama.

Pero gayon na lamang ang panghihilakbot ni Baklita nang mapansin ang mabalahibong kamay ng akay niya: ang huwad na Zabrina na tumutulo ang laway at litaw ang matutulis na ngipin. At kisap-mata lang ay sakmal na ito sa leeg ng impakto.

Bangkay na si Bambi nang matagpuan ng tunay na Zabrina. Pero naroroon pa rin ang impakto na lumapa sa katawan ng baklitang biktima. Na walang abog na sumalakay sa dalaga. Umalingangaw ang malakas na pagtili nito makaraang sambitin ang mga katagang “Diyos ko po!”

Parang malakas na bugso ng hangin na dumating ang tagapagligtas ni Zabrina.

“J-Jonas!” bulalas ng dalaga.

Humarang ang lalaking kamukha ni Jonas sa daraanan ng impakto. Sa pandinig ni Zabrina ay parehong umuungol-ungol ang dalawa. Mandi’y nag-uusap o nagpapaliwanagan sa isa’t isa.

Tiyempo iyon sa pagdating ng balut vendor na isinisigaw ang dalang paninda.

“Baluuuut!” (Itutuloy)

ni rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan 2

Jennylyn sobrang nagpapasalamat  maging parte ng Beautederm family

MATABILni John Fontanilla SA wakas ay nagsalita na si Jennylyn Mercado kaugnay sa bali-balitang lilipat ito sa ABS …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng …

Krystall Herbal, Rider

Krystall Herbal Oil proteksiyon ng rider laban sa pawis habang umuulan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *