Thursday , February 9 2023

Magpinsan nagbigti matapos gahasain

SA kabila ng kampanya ng pamahalaang matigil ang sunod-sunod na kaso ng rape, dalawa na namang dalagita ang natagpuang nakabitin sa puno matapos gahasain ng limang kalalakihan sa isang barrio sa northern India. Batay sa post-mortem report, nagbigti ang magpinsang biktima mula sa low-caste na Dalit community na edad 14 at 15, matapos pagsamantalahan sa kanilang barrio sa Budaun district sa Uttar Pradesh state.

“Lumitaw na ante-mortem ang pagbibigti, na ang ibig sabihin ay nagpatiwakal ang dalawa. Pero iniimbestigahan pa ito bago magkaroon ng konklusyon,” ani Budaun police chief Atul Saxena.

Naaresto ang pangunahing suspek na kinilala sa pangalan lang na Pappu habang pinaghahanap ang apat pang ibang gumahasa sa magpinsan.

Nagbunsod ang insidente ng protesta mula sa pamilya ng biktima at mga residente sa pag-akusa sa kawalan ng aksyon mula sa lokal na pulisya.

Ang rape sa Budaun ay pinakahuli mulang magahasa ang isang dalagita sa West Bengal state at gang-rape ng estudyante sa New Delhi noong Disyembre 2012.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM VDay KV

So you’re looking for the sweetest valentine? SM Supermalls’ gotchu!

Whether you’re single but not going solo, in a committed relationship, or just happy and …

Krystall Herbal Oil

Maliliit na bukol-bukol sa kamay ng plantsadora unti-unting nawala sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Mahirap po …

Sylvia Sanchez Rhea Tan Lorna Tolentino

Lorna Tolentino, suki sa A-List Avenue

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio STAR-STUDDED ang naging grand opening and ribbon-cutting ceremony ng sosyal at magarang Beautederm Corporate …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

63-anyos Plantitong may arthritis guminhawa sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6 ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Halos isang …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

Beautederm ambassadors nagsama-sama sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters 

MATABILni John Fontanilla BILANG paghahanda sa ika-14 anibersaryo ngayong 2023, binuksan kamakailan ng Beautéderm Corporationang taon …

Leave a Reply