Sunday , July 21 2024

Tambalang TiNola, nakaaaliw!

ni Roldan Castro

ALIW kami tuwing hapon kapag napapanood ang tambalang Tilda (Beauty Gonzalez) at Nolan (Franco Daza) sa hit seryeng Moon of Desire.

Talaga namang benta ang mala-aso’t pusang relasyon nina Tilda at Nolan lalo na sa netizens na siyang bumansag sa kanilang loveteam bilang tambalang TiNola (pinagsamang pangalan nina Tilda at Nolan).

Huling-huli ng dalawa ang kiliti ng masa sa kanilang mga pilyo at pilyang banatan tungkol sa “kimchi” ni Tilda at pagiging hindi pa tuli ni Nolan. Nakadagdag din diyan ang pagiging palaban ng dalawa sa pagpapaseksi. Patok talaga ang dalawa at pambalanse sa love triangle nina Meg Imperial, JC De Vera, at Ellen Adarna.

Samantala, ipinakilala na rin sa Moon of Desire, ang bagong loveteam nina Devon Seron at Kevin Fowler na tiyak aabangan lalo na ng mga teenager. Ginagampanan ni Devon ang papel na Riri, ang boyish na kapatid ni Jeff (JC De Vera), habang si Kevin naman ay si Runin, ang nerdy at tahimik na pamangkin ni Tilda. Sa pagkukrus ng landas nila sa eskuwelahan, paano nga ba mabubuo ang magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa?

Bago magsimula sa showbiz, unang nakilala si Beauty bilang 4th Big Placer ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Simula noon ay sunod- sunod na ang kanyang support roles sa telebisyon, sa mga seryeng tulad ng Angelito Batang Ama at Maria Mercedes, pati na rin sa pelikula. Si Franco naman ay unang ini-launch sa Gimik 2010 at lumabas sa mga serye tulad ng Nasaan Ka Elisa?

Sina Devon at Kevin ay parehong produkto ng Pinoy Big Brother. Pagkatapos ng papel bilang Rosario sa Maria Mercedes, muling nagbabalik si Devon na may mas palabang image. Si Kevin naman ay sasabak sa kanyang unang regular role sa isang soap at ngayong mas hunky pa kompara noong huli siyang makita sa Bahay ni Kuya.

Pakatutukan sina Beauty at Franco, at Devon at Kevin tuwing hapon sa  Moon of Desire, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

About Roldan Castro

Check Also

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …

Sheryl Cruz BF

Sheryl suwerte sa lovelife at career ngayong 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG natagpuan na nga ni Sheryl Cruz ang lalaking magpapasaya sa kanya at makakasama …

Enchong Dee Piolo Pascual Jericho Rosales Alden Richards Dingdong Dantes

Enchong G sa BL project; wish makatrabaho sina Piolo, Echo, Alden, at Dingdong

MA at PAni Rommel Placente NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here …

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *