Monday , May 13 2024

Ogie Diaz, mas mataas pa ang level kay Kris Aquino (Si Ms. Cory Vidanes daw pala kasi ang manager)

ni Reggee Bonoan

TAWA kami ng tawa kay katotong Ogie Diaz na kasama sa pelikulang Maybe This Time bilang may importanteng role at hindi lang basta inilagay para lang may panggulo dahil hiniling niya sa business unit head ng Dyesebel na siMs Kylie Manalo-Balagtas at  Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na muli niyang itulak sa dagat/pool si Anne Curtis kasi tumaas ang ratings ng nasabing fantaserye.

“Sige na, itulak ko ulit kasi daming nag-react, heto nga, daming nag-text, galit na galit sa akin, (sabay pabasa kay sir Deo ang text messages),” natatawang kuwento ng katotong Ogie.

Sinegundahan naman ng dalawang TV executive’s ng, “oo nga, ang taas ng ratings ng ‘Dyesebel’, noon.”

Nakakadalawang tulak na raw si Ogie kay Dyesebel at gusto niyang pangatluhan pa na sabi namin ay ilublob niya sa tubig para mas maraming magalit sa kanya, ha, ha, ha.

Gagawan pa ulit ng kuwento kung paano ipapasok ulit na itutulak ng katotong Ogie si Dyesebel.

 

  Sobrang busy na nakikipag-agawan na ng oras  sa Dyesebel ang Maybe This Time
Samantala, pabirong sabi sa amin ni sir Deo, “ naku, busy na nga, nakikipag-agawan na ng oras sa akin dahil sa ‘Maybe This Time’, mabuti na lang hindi pa niya nalilimutan ‘yung character niya.”

Si Ogie kasi ang sounding board ni Zsa Zsa Padilla sa Dyesebel na kahit gaano kasama ng aktres ay ang katoto pa rin ang magsasabi kung sobra na ang ginagawa nitong pagpapahirap kay Anne.

At nalaman namin na si ABS-CBN Channel head, Ms Cory Vidanes pala ang tumatayong manager ng katotong Ogie at wala raw hinihinging komisyon.

Bongga ang katotong Ogie kasi mas mataas pa ang level kay Kris Aquino na ang manager naman sa ABS-CBN shows ay si sir Deo, eh, mas mataas ang posisyon ni ma’am Cory?

Sa kabilang banda, excited ang katotong Ogie dahil maganda ang Maybe This Time nina Coco Martin at Sarah Geronimo na hindi mo aakalaing may chemistry din pala mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …

Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan …

Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *