Thursday , June 4 2026

Kia interesado kay Pacquiao

MAG-UUSAP sa susunod na linggo ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at  mga opisyal ng Kia Motors tungkol sa plano niyang maglaro sa PBA sa susunod na season.

Sa panayam ng People’s Television 4 noong isang araw, sinabi ng adviser ni Pacquiao na si Buboy Fernandez na pag-uusapan ng dalawang partido tungkol sa paraan kung paano makakapaglaro si Pacquiao sa baguhang koponan.

Matatandaan na tinanggap ng PBA ang Kia, kasama ang North Luzon Expressway at Blackwater Sports, bilang mga expansion teams ng liga.

Naunang sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na kailangang dumaan sa rookie draft si Pacquiao kung nais siyang maglaro sa PBA.

Ang mga problemang hinaharap ni Pacquiao kapag nakapasok na siya sa PBA ay ang edad niyang 35 at ang taas niyang 5-6, bukod sa kanyang pagiging kongresista at boksingero.

Sinabi naman ni PBA media bureau chief Willie Marcial na tuloy ang pagbuo ng Kia ng kanilang koponan sa PBA kahit tila tahimik ang nasabing kompanya ng kotse.

“Eh kasi ganoon naman talaga ang kultura ng Kia, hindi basta-basta nagsasalita hangga’t hindi pa settled ang lahat. Maingat talaga sila,” ani Marcial sa panayam ng www.spin.ph.

Ayon naman sa isang taga-Kia, aayusin nito ang magiging komposisyon ng coaching staff at management team sa susunod na linggo.

Nais ng Kia na kunin si Leo Austria bilang head coach.         (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …