Thursday , June 4 2026

Guiao tanggap ang pagkatalo

KAHIT kilala si Rain or Shine coach Yeng Guiao bilang mainitin ng ulo sa loob ng court, inamin niya na talagang mas malakas ang Talk n Text sa katatapos nilang duwelo sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Tatlong sunod na laro lang ang kinailangan ng Tropang Texters upang talunin ang Elasto Painters upang umabante sa finals.

Para kay Guiao, malaking kawalan sa kanyang koponan ang ilang mga manlalarong napilay tulad nina Paul Lee, Jervy Cruz, Chris Tiu, Ryan Arana at Wayne Chism.

Nagtala si Chism ng 31 puntos sa Game 3 ngunit halatang mabagal ang kanyang kilos samantalang anim na minuto lang ang nilaro ni Lee.

“We actually had a chance kahit torrid ang three-point shooting nila. I guess it was the desire of my players to keep fighting,” wika ni Guiao. “But umulan ulit ng tres (ang TNT). There are nights like that at ganoon talaga ang basketball. TNT is playing the best basketball right now.”

Apat na araw  lang ang magiging pahinga ng Rain or Shine at sa darating na Miyerkoles na babalik ang Painters sa ensayo dahil magbubukas ang Governors’ Cup kaagad pagkatapos ng finals ng Commissioner’s Cup.

Katunayan, kinompirma ni Guiao na babalik si Arizona Reid bilang import ng ROS sa third conference.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …