Thursday , July 7 2022

Hindi lang namamayagpag lumalawak pa ang Jueteng ni Joy sa Parañaque (Attn: C/Supt. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin JSY

ANG sabi, nakakuha ng RIGHT KONEK ang operator ng jueteng sa Parañaque na si JOY.

Ilang beses na nating kinakalampag ang mga awtoridad sa nasabing siyudad pero imbes matuldukan ‘e mukhang lalo pang lumawak ang operation ng jueteng ni JOY.

Ayon sa ating very reliable source, kung dati, sa Barnagay San Dionisio lang ang Jueteng operation ni JOY ay lumawak pa at nadagdagan pa ng WALONG barangay.

Mukhang tablado si PNP-NCRPO Chief Gen. Carmelo Valmoria kay Joy Jueteng dahil bukod tanging ang Parañaque lang ang sumusuway sa direktiba niyang tigil-sugal (1602) sa NCR.

Sorry po, Mayor Edwin Olivarez at Col. Ariel Andrade, kung sasabihin ninyong wala kayong kinalaman d’yan ‘e parang mahirap kong paniwalaan dahil nga sa pamamayagpag at paglawak ng operation ni JOY sa inyong area of responsibility (AOR).

Inutil ba talaga ang pulisya at ang Mayor’s office sa jueteng ni JOY, Mayor Olivarez?!

Magkano ‘este’ Bakit?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply