Monday , July 4 2022

KZ, aminadong mahirap bagayan ng damit (Kaya madalas wala sa tamang porma)

ni  Regee Bonoan

Ang X-Factor grand winner na si KZ Tandingan ay aminadong hindi siya mahusay manamit lalo na sa mga pinupuntahan niyang events kaya naman tanggap niya kapag pinupuna iyon. Nakita kasi namin na sobrang flowery ang suot niyang above the knee skirt with blazer na maluwag sa kanya at naka bling-bling ng makikintab na bato sa katanghaliang tapat at nakasuot ng puting stiletto.

Sabi nga naming, dapat sa gabi niya isinusuot ang bling-bling niyang malalaking batong makikintab at hindi sa tanghaling sobrang taas ng init ng araw. Kaya tinanong namin kung sino ang stylist ng dalaga at sabi nga niya, si Myrrh Lao To na stylist din nina Shaina Magdayao at Julia Montes.

Pagtatanggol ng dalaga sa stylist niya, “may pangalan naman po ‘yung stylist ko at hindi naman niya sisirain ang pangalan niya at isa po siya sa (in demand) sa ‘ASAP’. Ang mga binibihisan po niya ay sina Shaina Magdayao, Julia Montes, marami pa po.”

At saka inamin ni KZ na siya raw ang mahirap bihisan sa mga nabanggit. “Si Shaina po kasi, medyo classy kaya madaling bihisan, kay Julia naman, young classy ‘di ba. Pagdating po talaga sa akin, ‘yung nasa edgy ako, hindi ako sexy, kaya hinahanap pa rin namin ang babagay sa akin.”

Kuntento ba si KZ sa damit na isinusuot niya? “Masaya naman po ako na tina-try namin ‘yung ibang style kasi hindi naman po ako ‘yung normal lang na super-girly dress. Experimenting naman po kaya nga po may inilalabas kaming style na ganito sa TV at hindi maganda ang reaksiyon ng mga tao, so, hindi pala ito puwede, hindi nagwo-work so hahanap na naman kami ng iba. Parang we’re still in the process of finding the right (clothes) for me po.”

Minsan nga raw ay apektado ang performance niya kapag hindi siya komportable sa suot niya lalo na kapag naka-stilleto siya.

“Opo, nakatutuwa nga ‘yung stylist ko kasi alam niyang hindi ako madalas mag-stilleto tapos may times sa ‘ASAP’ (2014) na kumakanta ka habang naglalakad, very hard to do, kaya tinatanong ako (Myrrh), ‘o, sis kaya mo ba ‘to? Sige palitan natin, eto (ibang style) kaya mo ba?’ At kung komportable po ako, iyon ang ipinasusuot sa akin. Minsan kasi sa ‘ASAP’ may requirement na suot lalo na kung may prod, may theme kaya kailangan mong isuot.

“At singer naman po ako, hindi naman ako model, pero importante rin po talaga ang suot, pero para sa akin, mas importante po ‘yung kanta ko. Minsan, ang ganda-ganda ng damit mo, pero nagkalat ka naman (performance).”

Samantala, nanalo si KZ bilang Favorite New Artist Award sa MYX Music Awards 2014 at magkakaroon ng back-to-back concert with Markki Stroem na may titulong Jazzified sa Music Museum sa Mayo 16, Biyernes mula sa direksiyon ng Cornerstone Concerts at sponsored naman ng Astroplus, Third District Coffee Shop Katipunan, MYX, Business World, PEP, Manila Concert Scene at Soundcheck Manila.

About Reggee Bonoan

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply