Thursday , June 4 2026

Usapang Deniece-Vhong, nakauumay na

ni  Ronnie Carrasco III

GABING-GABI na nitong Sabado nang makatanggap kami ng text message na mayroon daw statement si Deniece Cornejo, this after the DOJ handed down its 42-page resolution junking her rape complaint against Vhong Navarro (April 10), kasabay din ng kautusang sampahan na ng serious illegal detention at grave coercion ang modelo, si Cedric Lee at lima pa nilang kasama.

Huwebes ibinaba ang resolusyon. That same day din ay nakunan na si Deniece ng kanyang panig via a recorded phone interview ng GMA news.

Biyernes nang magtatawag din ang lola ni Deniece na si Ginang Florencia tungkol sa ipalalabas din nilang official tatement, pero dahil abogado raw nila ang gagawa niyon ay kinabukasan (Sabado) na lang daw niya maibibigay.

Lumipas ang buong Sabado, we in Startalk were just on standby sa ire-release na pahayag ng kampo ni Deniece, pero pumatak na ang unang segundo shortly after midnight nitong Sunday ay tila nakatulugan na rin yata ng maglola ang ilalabas nilang statement.

Still being the writer assigned to this seemingly never-ending saga na nakauumay na, nais ng programang Startalk na iprisinta sa mga manonood ang dalawang panig as fairly as possible without either of the parties complaining about us being biased.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …