Thursday , July 7 2022

Melai, ayaw nang bumalik sa Banana Split?

ni  Roldan Castro

MARAMI ang nagtatanong kung babalik pa ba si Melai Cantiveros sa Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite ngayong nakapanganak na siya?

Noong nabuntis si Melai ay nawala siya sa nasabing gag show na mukhang umiwas sa bestfriend niyang si Angelica Panganiban. Noong mga panahong ‘yun ay nagkaroon ng gap sina Angelica at Jason Francisco sa pag-aalalang baka hindi magampanan ni Jason ang kanyang responsibilidad bilang ama at asawa ni Melai. Nagkaroon din ng isyu kina John Prats at Jason dahil sa naganap na suntukan sa taping ng BS.

Noong December si Angelica ang gumawa ng effort na batiin si Melai sa pamamagitan ng text. Nagkabati naman sila.

Ayon sa nakausap namin sa Banana Split, welcome naman daw si Melai sa kanila pero noong buntis kasi ito ay may pahayag si Melai na puwede siyang mag-guest sa ibang comedy show ng Dos, pero huwag muna sa Banana Split.

Kung ang idinadahilan ni Melai noon ay maselan ang kanyang kalagayan para magtrabaho, bakit napanood siya sa Honesto?

Si Melai ay itinuring na kapamilya, barkada, at kapatid ng cast ng Banana Split. Pero kung tuluyan siyang lalayo sa mga ito, nasa kanyang desisyon na ‘yun.

Pakatatandaan ni Melai, matibay na ang Banana Split, dahil limang taon na ito sa ere. Nagkaroon pa ng Banana Nite, Ilan na ang nawala sa cast pero nananatili pa rin ang show.

Basta ang sabi ng cast, happy sila sa pagiging ina ni Melai at mas masaya kung magsama-sama sila ulit.

‘Yun, o!

Renzo, ipinalit ni Krista kay Cesar?

INIINTRIGA si Renzo Vergara kung siya na ba ang ipinalit ni Krista Miller pagkatapos niyang ma-link kay Cesar Montano? Very sweet kasi ang dalawa nang kunan ang music video ni Renzo para sa  kantang Ipagpatawad Mo na napapanood ngayon sa Myx.

Ayon kay Renzo, trabaho lang daw ang nangyari sa kanila ni Krista.

Finally, release na ang self-titled  album ng bagong Crush ng Bayan na si Renzo under Star Records.

“I’ve been waiting for this album. This is one  of my biggest dreams,”   pahayag ni Renzo nang makatsikahan namin siya sa Mint College na roon din siya nag-aaral.

Ini-revive niya ang kanyang Ipagpatawad Mo na carrier single ng album niya. Napapaloob din ang ibang revival songs gaya ng Kung Kailangan Mo Ako, at Each Day With You.

Si Renzo ay produkto ng reality show na Star Camp ng Myx TV na kilala bilang One Man Band.

Tubong Antique . Noong 17 taong gulang siya, na-influence siya ng kaniyang uncle na famous local singer para ipagpatuloy ang hilig sa musika. Nanalo rin siyang Mr. PRISAAP (Private Schools and School Administrators Association of the Philippines) sa National Prisaap competition. Naging modelo rin siya sa Iloilo.

Ang forte ni Renzo ngayon bilang singer ay mixture ng pop, ballad, at rock.

Alam mo na?

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply