Thursday , June 4 2026

Karpintero dedbol sa martilyo ng katagay

PATAY ang  45-anyos karpintero nang martilyuhin sa ulo at katawan ng kapatid ng kanyang kainuman na construction worker, sa itinatayong gusali, sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Tito Gabin, tubong Barangay Halang, Calamba City,  Laguna, stay-in sa no.3991 Dangal St., Bacood,  Sta. Mesa.

Agad naaresto ng mga barangay tanod ang mga suspek na si Joel Esplana, 28, binata, ng Barangay Paking,  Sitio Sumagonsong, Molanay,  Quezon, at isa pang construction worker na si Arcenio Natada, 35.

Sinusulat ang balitang ito, ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang nakatatandang kapatid ni Esplana na si Teodenar, 35, construction worker , dahil sa tama ng bakal sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni  SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng ginagawang gusali sa panulukan ng Bagumbayan at Bataan Extension, Bacood,  Sta Mesa.

Ayon sa saksing si Jayson Olanda, 19, laborer at stay-in sa construction site, bumisita lamang ang nakababatang Esplana sa construction site at nakipag-inuman sa biktima at sa kanyang kuya at sa isang  Natada.

Makalipas ang ilang oras, naiwan ang biktima at suspek nang magtungo na sa barracks ang batang Esplana at si Natada upang matulog.

Habang tulog na ang dalawa, naulinigan nila ang sigaw at paghahamon ng biktima ng suntukan hanggang sa magpang-abot at bumagsak umano ang nakatatatandang Esplana sa bakal na roon tumama ang dibdib.

Nagawa pang tumayo ni Esplana at tumakbo sa kapatid at kay Natada upang magsumbong kaya dali-daling sumaklolo ang dalawa, at nakahagilap ng martilyo ang suspek at kanyang hinabol si Gabin saka pinagpapalo ng martilyo na ikinamatay ng biktima.

Agad nagresponde  sina Barangay Ex-O Carlos Sabado at Brgy. Tanod Floro Candellero na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek na nakakulong na sa detention cell ng MPD-Homicide Section . (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …