Thursday , June 4 2026

Napoles ‘hihiwain’ ng St. Lukes’ doctors

PINAHINTULUTAN ng Makati Regional Trial Court na mga private doctors ang tumingin sa medical needs ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles habang naka-confine sa Ospital ng Makati.

Sa ipinalabas na kautusan ni Makati-RTC Judge Elmo Alameda, pinayagan ng korte sina Drs Elsie Badillo-Pascua, Efren Domingo, Leo Aquizilan, Michael Lim-Villa at Nick Cruz na  magsagawa ng surgery sa pasyente.

Nauna rito, pawang mga doktor na affiliated sa OsMak lamang ang pinapayagang sumuri kay Napoles.

Una nang hiniling ni Napoles na ma-confine siya sa St. Luke’s Medical Center para sa iniinda niyang Myoma.

Sa panig ng OsMak, tiniyak ng hospital management na wala silang ibibigay na special treatment sa negosyante.

(LAYANA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …