Thursday , June 4 2026

OFW pinugutan katawan missing

BACOLOD CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang katawan ng overseas Flipino worker (OFW) mula sa Negros Occidental, makaraan mapaulat na missing ngunit pagkalipas ng ilang araw ay natagpuan ang kanyang ulo.

Napag-alaman, nawala ang biktimang si Maribel Alpas, 32, ng Brgy. Asia, Hinobaan, Negros Occidental noong Marso 21, at Marso 25 nang natagpuan ang kanyang ulo sa Cabiao, Nueva Ecija.

Ayon sa kapatid ni-yang si Sheryl, isang magsasaka ang nakakita sa ulo ng biktima at na-identify batay sa passport at iba pang dokumento.

Si Maribel ay dalawang taon nang nagtatrabaho sa mag-asa-wang taga-Nueva Ecija na nagtatrabaho din sa London.

Umuwi ang mag-asawa nitong Disyembre kasama si Maribel ngunit bumalik na sa London ang kanyang employer, at nitong Marso 21 sana ang balik niya matapos ang tatlong buwan bakas-yon.

Bago ang flight pa-puntang London, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang employer sa Nueva Ecija dahil may kukuning dokumento na dadalhin sa kanyang pagbalik.

Ngunit magmula noon ay hindi na nakauwi pa sa Negros ang biktima.

(LANI CUNANAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …