032614 fred lim sunog

NAMAHAGI ng tulong-pinansiyal si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mahigit 500 biktima ng sunog sa Moriones, Tondo. Kahit wala na sa posisyon hindi tumigil at patuloy na tumutulong si Mayor Lim sa panahon na mayroong mga biktima ng sunog, baha at iba pang kalamidad sa Maynila.  Kasama niya sa pamamahagi si dating chief of staff Ric de Guzman at iba pang barangay officials na pinamumunuan ni Chairman Marlon Dong Banal ng Barangay 123 na mainit namang tinanggap ng mga residente. (EDWIN ALCALA)