

SEXTORTIONIST. Huli sa isinagawang entrapment operation ng MPD City Hall detachment (MASA) na pinamumunuan ni C/Insp. Bernabe Irinco ang seaman na kinilalang si Roderick Padillo, 42, tubong-Negros makaraang pangakuan ng trabaho at magandang buhay ang isang 17-anyos dalagita ngunit ginahasa sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila. Tinatakot umano ng suspek ang biktima na ilalabas ang sex video kapag hindi muling nakipagtagpo sa isang mall sa naturang lungsod. (BRIAN GEM BILASANO)
