Kelot nagbigti sa center island (Sumuko sa kahirapan)
LABIS na kahirapan ang sinasabing dahilan kung kaya’t nagbigti ang isang lalaki sa center island sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) P/Chief Insp. Rodelio Marcelo ang biktimang si Roger Amores, 23, scavenger, residente ng 228 Araneta Ave. Brgy. Talayan, ng lungsod.
Base sa ulat, dakong 6:00 ng umaga kamakalawa, nang matuklasan ang pagpapatiwakal ng biktima sa isang puno ng center island sa nasabing lugar.
Napag-alaman, nagulantang ang mga motorista na dumaraan sa lugar nang makita nila ang nakasabit na katawan ng biktima.
Ayon sa kinakasama ng biktimang si Mary Grace Maceda, 41-anyos, nagawang tapusin ni Roger ang kanyang buhay dahil sa labis na kahirapang nararanasan.
(JETHRO SINOCRUZ)
