Wednesday , June 24 2026

Investments ni Osang, naglaho nang lahat (Trust funds ng mga anak, ‘di pa naayos?)

ni  Ronnie Carrasco III

MALINAW ang pagkakalahad ni Dennis Robert Adriano, o higit na kilala bilangOnyok na bunsong anak ni Rosanna Roces sa kanyang exclusive interview saStartalk: all of his mom’s investments have gone up in smoke.

Of all the properties daw na naipundar ni Osang sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, tanging ang ari-arian lang daw nitong matatagpuan sa Bulacan ang naisalba ng aktres.

Doon daw nakatira ang ina ni Osang, lola nina Grace, at Onyok na nagsilbing gabay ng mga anak ng aktres.

But if there was one off-the-record revelation that Onyok made sa panayam na ‘yon ng dating manager ni Osang na si Lolit Solis, ‘yun ay ang malasakit sa kanila ng kinasama ng kanilang ina: si Tito Molina.

Over a period of time na nakatrabaho namin si Osang sa Startalk ay ganoon din katagal ang pagkakakilala namin kay Tito. He was a decent man, may pinag-aralan at mukhang may prinsipyo.

‘Yun nga lang, most of the Startalk staff—myself included—found it strange kung bakit Tito held a “consultancy position” sa Startalk gayong what was there para kunsultahin siya? And if there was, ano naman?

Ayon kasi kay Onyok, in-assure raw sila ni Tito ng kanyang Ate Grace na bago raw sila maghiwalay ng kanilang ina ay aayusin daw nito what had to be fixed. Ang tinutukoy daw ni Tito ay ang trust fund which he wanted to secure for the kids.

Ani Onyok, ”’Yun ang gusto kong malaman, kung na-settle nga ba ni Tito ‘yung trust fund namin.”

Pinalalabas kasi ni Osang that Tito made a milking cow out of her, bagay na ipinagtatataas ng kilay ng marami.

Junior edition ng Picture! Picture, well received

DAHIL well received ang junior edition ng Picture! Picture! kamakailan, noong Sabado (March 15) ay ibang mga Kapusong bagets   ang pinagsabong. Sila ay sinaBarbara Miguel, Mona Louise Rey, Kyle Ocampo, at Joshua Uy.

Mga ‘di matatawarang child prodigies sa larangan ng drama, masuwerte ang isa sa apat dahil may ipangdaragdag na sa kanilang trust fund to tide them over until they grow up.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …