Sunday , April 28 2024

Sorry ni PNoy inisnab (Yolanda victims nainsulto, Dinky palpak, Lacson bagman)

031614_FRONT
MINALIIT ng Palasyo ang pagbasura ng mga Yolanda victims sa apology ni Pangulong Benigno Aquino III sa mabagal na aksiyon ng gobyerno sa kalamidad at panawagan na sibakin sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman at rehabilitation czar Panfilo Lacson.

Ayon sa People Surge Alliance, hindi nila matatanggap ang masyadong huling paghingi ng paumanhin ng Pangulo at kailangang managot siya sa ginawang “criminal negligence” at bayaran ng danyos ang mga biktima ni Yolanda na namatay at nawalan ng kabuhayan.

Inihirit din nila ang pagsibak kay Soliman dahil sa kapalpakan sa tungkulin , gayundin si Lacson na tinawag na isang “demagogue” at “bagman” ni Pangulong Aquino.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi mahalaga ang pagtanggap sa apology ng Pangulo dahil naipapakita naman ng gobyerno ang pagpapatuloy ng tulong at pag-alalay sa mas nakararaming biktima ni Yolanda.

“Klaruhin lang po natin na hindi po lahat ng Yolanda survivors ‘yung nag-reject doon sa naging pahayag ng Pangulong Aquino doon sa Hope Christian High School, at siguro po mas importante pong—more than ‘yung pagtanggap po no’ng apology ay ‘yung naipapakita po nating patuloy nating pagtulong at pag-alalay po doon sa mas nakararami doon sa mga nasalanta,”  ani Valte.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *