031414 binay convoy wangwang

LALONG sumikip ang trapiko sa kanto ng Andrews Ave., at Tramo Ave., Pasay City kahapon nang biglang sumalungat sa daloy ng mga sasakyan (counterflow) ang isang lalaking nakamotorsiklo na may sukbit na baril, kasunod  nito ang convoy ng mga sasakyan na kinabibilangan ng isang puting sports utility vehicle (SUV) na may palakang numero dos (2). Wala mang wangwang, ang pagsalungat sa trapiko ng lalaki na may sukbit na baril kasunod ang sasakyan ni Vice President  Jejomar Binay ay salungat sa palasak na linya ni PNoy na “Kayo ang boss ko.”